#LaNE Curse 05 – The Captured Villavesers
Karina Bautista as Aexia (Ayesha)
Aljon Mendoza as Xione (Shon)
Rhys Eugenio as Xilent (Saylent)
Kaori Oinuma as Aegix (Eygis)
KarJon as Aione
KaoRhys as Alent
------------------------------------------------------------
Tovie's Point of View (POV)
[06:35pm]
Halos sampung minuto na rin akong nagmamatiyag dito sa labas, sa di-kalayuang lugar mula sa lumang gusali na iyon. Pero feeling ko ang tagal ko ng naririto.
Hay, siguro dahil sa sobrang pressured na ako kung papaano ko maililigtas sina Lola Antovia at Xione mula sa mga tatlong lalaking dumukot sa kanila.
Flashback...
.
.
.
.
[06:05pm]
So sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ng kotse ko, hindi ko na alintana na over-speeding na pala ako, basta ang alam ko lang, kailangan ko agad makarating sa bahay nina Xione. Ano na kayang nangyari kina Lola?
Hindi talaga ako mapalagay at labis-labis na ang kabang nararamdaman ko. Lord, 'wag naman po sana.
Nang malapit na akong makarating sa bahay ng mga Villaveser, isang kahinahinalang itim na van ang umagaw ng atensyon ko. Sabi ng instinct ko, dapat kong sundan ang sasakyan na 'yun. Malakas talaga ang kutob ko, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at halos buntutan ko na ang itim na van 'yun, pero syempre iniiwasan ko pa ding mahalata ako ng kung sinoman ang laman ng sasakyan na 'yun.
Dalawangpung minuto ko rin na pasimpleng sinusundan ang itim na van na ito, sa paniniwala ko ay lulan ng sasakyan na 'to sina Lola Antovia at Xione.
Sa hindi kalayuang lugar mula sa bahay ng mga Villaveser tumigil ang sasakyan. Bente minutos na byahe gamit ang sasakyan, kaya malapit lang ito, pero medyo liblib ang lugar na ito, isang lumang gusali, iyon ang tanaw kong pinaghintuan ng van na kanina ko pa sinusundan.
Tama nga ako. Buti at sinunod ko ang instinct ko at hindi na ako bumaba kanina para umakyat sa bahay at icheck sina lola. Mula kasi rito sa loob ng kotse ko, kitang-kita ko kung papaano ibaba ng dalawang lalake na nakamaskara sina Lola Antovia at Xione. May natatanaw pa akong ikatlong lalake, yung isang sinlaki ng isang sumo wrestler na bumaba sa may driver's seat. Malalaking tao sila kung tutuusin. Naku, mukhang mahihirapan akong matulungan sina Xione nito ha.
Kailangan kong makapag-isip agad. Nasa mabigat na sitwasyon ang buhay nila, baka kung ano nang masamang mangyari kina Lola.
Hays. Eh kung tumawag na kaya ako ng mga pulis? Sana naman hindi katulad ng mga nasa palabas ang mangyari na kung kailan tapos na ang mga fight scenes tsaka palang sila magsisidating, kung kailan huli na ang lahat. 'Wag naman sana.
...End of Flash Back
[06:39pm]
Bahala na! Hindi ko na maaantay ang mga pulis na tinawagan ko. Sana lang talaga hindi late-in-action ang mangyari sa mga pulis patola na 'yun. Ano pa bang aasahan mo sa Pilipinas?
BINABASA MO ANG
Loving a Non Existing #LaNE
RomanceLoving a Non-Existing. #LaNe AEXIA & XIONE | AEGIX & XILENT "Naranansan mo na bang ma-in love? Masarap 'di ba? Magical ika nga nila. Paano kung mahulog ka sa isang tao na hindi naman pala talaga nag-eexist? Sundan ang love story nina Aexia at...