Bullet Pain

25.2K 557 12
                                    

Bullet Pain

He was stupefied. Nang lumabas ang mga doctor mula sa emergency room. Napalibutan ang hospital bed ng mga bodyguards and security forces. Hindi lubusang makita si Ruth si Sienna. Hindi siya gaanong makalapit. He was afraid. Yes. He's afraid. Afraid that his daughter might not survive and afraid that he might not see her beautiful smile again.

Natawagan na niya si Samuel. Greg follow up. May mga tao na silang kumikilos para alamin kung saan mismo nanggaling ang balang tumama kay Sienna. Muli na naman siyang napaiyak. What he promised was to protect her even if he's afar.

Nagtangis ang bagang niya at kinuyom niya ang kamao. Kung sino man ang may kagagawan nito. Nasisiguro niya na susulitin nito ang natitirang bente kwatro oras ng buhay nito. Dahil kapag siya ang naningil. Sinasaid niya lahat. Hanggang sa kahulihulihang hininga. Hindi nila alam kung paano magalit ang isang ama na nangungulila sa kanyang anak.

Humakbang din siya patungong Operating room. Alam niyang doon patungo ang mga ito. Muli na namang dinamba ng takot ang puso niya. Ang bata pa ni Sienna. Hindi niya dapat pinagdadaanan ang ganito. She should be in the playground, playing with the kids like her age. Hindi iyong nasa loob ng kwadradong kwarto habang nakahiga at walang malay. Gusto niyang sisihin ang sarili niya. Kung sana naging mas matapang lang siya gaya ng palagi niyang bukambibig noon. Edi sana kasama niya si Sienna ngayon. Mas nababantayan niya sana ito.

Hindi nakaligtas sa paningin niya si Sheila. She's still crying. Nakaupo ito sa lounger habang nakasubsob ang mukha sa mga palad. Gusto niyang lumapit at yakapin ito. Gusto niyang pawiin ang luha sa mga mata nito. Gusto niyang sabihing gagawin niya ang lahat makaligtas lang ang anak nila. Pero hanggang isip lang niya iyon. Duwag siya. Mahina siya. Hindi niya kayang harapin ang kasalukuyan kaya nagtitiis siya na tumitingin nalang sa malayo.

Pero ang sakit na nadarama niya ay mas lalong tumindi ng lumapit si Trey dito at yakapin nito. Sheila threw her arms to her husband at gumanti ng mahigpit ding yakap. Tila sinasakal ang puso niya sa sakit na nakikita. Ang masakit na reyalidad na hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap. Ako dapat 'yan.

Tapik sa balikat ang nagpalingon sa kanya. Naging dahilan para mag iwas siya ng tingin at ilayo ang mga matang sanhi kung bakit wasak na wasak ang puso niya.

"I came here to tell you an update." Sabi ni Sam na gaya niya ay napalingon din pala sa pares na nasa labas ng operating room.

"Anong balita?" Bumalik ang bangis sa tinig niya. Sa tuwing maalala niya ang nangyari kay Sienna. Kumukulo ang dugo niya at nagbabaga ang mga kamao niya.

"Nakakuha kami ng CCTV footage sa labas ng mall. Base sa ginawa naming imbestigasyon. Para kay Sheila ang balang iyon. But when the gun was fired. Doon nagpakarga si Sienna kay Sheila. Kaya ang bata ang tinamaan. We can't still identify kung saan galing iyon. Nobody hears the noise. Malawak na parking ang harapan ng mall. At highway na ang kasunod. Across the highway ay rows of buildings."

Muli na namang nagngalit ang mga ngipin niya. "Kung ganoon, nasa parking lang din ang bumaril sa anak ko. Marahil ay nasa loob siya ng sasakyan." He concluded. Iyon lang ang matibay na haka-haka na pwede niyang paniwalaan.

Sam shrugged his shoulder. "Possible yan. Pero hindi pa tayo sigurado. Kailangan makita muna natin ang mga security cameras sa loob ng parking mall. I'm sure mayroon doon." Tumingala siya. God knows how he wanted to be with them. Na gabi gabi nagdarasal siya na sana sa pagmulat niya ng mga mata ay katabi na niya ang mga ito. "I think, isa sa mga galit kay congressman ang may kagagawan nito." Sam added.

"Sa sobrang dami ng galit sa kanya. Marami nang inosente ang nadadamay." aniya. At saka tumalim ang mga mata.

"Maugong ang balitang tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. Base sa survey may pag asang makapasok siya sa senado. Hindi kaya iyon ang dahilan bakit may nagtatangka sa pamilya nito?" Alam niyang may pang uuyam sa tinig ng kaibigan. Pero hindi na niya pinansin iyon.

"Wala akong pakialam kahit maging presidente pa siya ng Pilipinas. I only fucking care is my child. She's inside the operating room right now!" Doon muling humulagpos ang kinikimkim niyang pait. Tinapik muli siya ni Sam sa balikat bago nagpaalam na sasagutin ang tawag sa cell phone nito.

Siya naman ay muling napatingin sa pintuan ng OR. Gusto niyang pag sisihan ang ginawa. Dahil ng mapatingin siya. Tila sinasaksak na naman ng puso niya. Yakap ni Trey si Sheila. And Sheila's eyes met his. Nagtama ang paningin nila. At daig pa niyon ang sampung balang tumama sa kanya. That the bullet pain is more hurt than the past two years of pain that he'd suffer.






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon