Pagkauwi ko sa bahay ay nagpahinga muna ako saglit bago magpuyat at magreview ulit.
Bukas kasi ay walang pasok dahil review day namin at sa isang araw naman na ang second and last day ng aming periodical test namin.
Nagising naman ako sa isang kayok ng kwarto ko "Oh anak, kain kana muna ng hapunan oh. Eto pinagdalhan na kita, tulog na tulog ka kasi kanina eh." sabi ni mama at pumasok na sa kwarto at tumabi sakin sa kama ko
"Ano to ma, dinner in bed? Hahahaha thank you po!" sabay kiss ko kay mama sa magkabilang cheeks nya
"Aww, sweet daughter ah Cendley. Hahaha" biglang singit ni ate na nasa pintuan ng kwarto ko at nakadungaw
"Oh, akala ko ba nasa trabaho ka?" pagtatanong ni mama
Working student kasi si ate pag July to September. Haha. Kaya kahit sabi naming wag na syang magtrabaho kasi baka makasagabal lang sa pag-aaral nya eh nag-iinsist parin sya.
Gusto nya daw gumastos ng sarili ng pera para matuto daw. Sus, baka binibigay nya lang sa boyfriend nya HAHAHAHA kidding. Wala ngang boyfriend yan eh.
Natawa naman ako sa naisip kong yon. Hahaha.
"Oh anong tinatawa mo?" pagtataray nyang tanong. tss bipolar
"Wala. Wae? Hahaha"
"Wala naman. Naintriga lang. Sayang naman, tinatawanan mo pa ako. Kami nalang ni mama ang kakain nitong ice cream galing sa Dairy Queen. Mwahaha." sabay pakita nya nung tatlong cups ng DQ
"Kyaah!" bumaba ako sa kama sinungaban ko sya at niyakap "Akin na yung isa ate. Please please please. Ate! I love you ate. Mwa mwa mwa!" tapos kiniss ko sya sa cheeks nya at nagpapuppy eyes pa
"Na-nako nako nako. Hindi yan eepekto sa-sakin. Bitiwan mo nga a-ako. Hindi ako maka... makahinga."
"Eh ate, akin na kasi. Pretty please? Ah! Ganto nalang, bilhin ko nalang sa'yo yan. Tama. Oo tama. Please?"
"Hahaha/HAHAHA!" tumawa sila ni mama pero syempre kay ate yung nakacapital :/
"Bakit ma? ate?" inosente kong tanong
"Wala. Hahaha tara na dito sa kama at kumain kana" sabi ni mama at tinapik tapik pa yung tabi nya para dun ako maupo
"Opo." napakamot nalang ako sa ulo ko at nagsimula ng kumain ng beefsteak ♥.♥ si ate naman ay naupo dun sa mini sofa ko habang nanunuod ng kakasimula palang na movie na The Nut Job sa HBO at kinakain na yung ice cream nya :(
"Bakit hindi mo sinagot tanong ko? Bakit wala ka sa trabaho mo ngayon?" pagtatanong ni mama kay ate
"Eh kasi ma... Kilala mo po yung kapatid nung Thea na umaway kay Cendley a year ago? Yung ate non kaklase ko po tapos nandun sya sa restaurant kanina. Pinagtripan ba naman po ako, pinagod pagod ako edi nasagot ko. Tapos binuhusan ako ng juice, kalagkit lagkit."
"Ay, kay salbaheng mga bata. Hindi siguro naturuan ng mga magulang." suhestiyon ni mama
Tumpak! Kokak!
"Kaya bago pa ako ma-fired, nagresign na po ako. Kasi ikatlong beses na nya ginawa sakin yon eh. Kaya umalis narin po ako. Sa shop nalang ako ni ninong magtatrabaho, nakausap ko na po sya."
"Sabi ko naman sa'yo hindi mo naman kailangang magtrabaho eh. Pero mabuti naman pala at naipasok ka ni ninong mo sa shop nila."
"Oo nga ate, bakit nagtatrabaho kapa? Naghihirap na ba tayo?" sabay baling ko namang ng tingin kay mama "Pero ma, okay lang po yon. Atleast laging may libreng ice cream tayo. Hahahaha."