The Beginning of our FOREVER

31 1 0
                                    

Hello ! ☺ I wrote this story not to tell all the person out there na sobrang ganda ng relationship ko ngayon . I just want to share it and Be proud that I have a Wonderful Relationship . 

So It all started from me. Isang lalakeng walang pakealam sa kahit ano . babaero , Lasingero at walang alam kundi mag pakasaya lang sa buhay . My motto -  We live alone, we die alone, everything else is just an illusion. napanood ko to sa isang movie na - The Art of Getting By . Then na realized ko na mag pakasaya na lang . gabi gabi nasa gimikan at parating umiinom at nambabae . 

Then One night sa isang gimikan sa tomas morato . promoter ako dun . at parating nasa club na yun halos every night. Para free acces and free drinks. Naalala ko pa yung araw na yun it was Saturday night . May nakita akong babae sa kabilang table naaalala ko pa halos lahat ng mga oras na yun . She was wearing red top's shorts and vans. short hair and napakagandang ngumiti . and sobrang na turn on ako sa kanya . that moment bigla akong kinabahan nang di ko alam . then nalaman ko na guest sya ng co promoter ko . Kinausap ko agad yung co promoter kung yun kahit di ko pa kilala . I told him na " Tol ang ganda ng kasama mo . gusto ko siya makilala " At buti naman at pumayag siya . 

Tapos nung oras na yun bigla akong umurong kinabahan ako bigla e. kaya di ako nakipag kilala . well smpre nag papansin ako . medyo lumapit ako sa table nila . tapos naka tayo lang Suplado effect kung baga haha . Umiinom ako habang nakatingin lang sa kanila at sa ibang tao para di masyado halata . then biglang lumapit yung friend niya sa akin medyo tipsy na yung friend niyang yun . At dun ko sila nakilala . Yung time na kilala ko siya at nahawakan ang kamay niya simpleng hand shake lang naman yun ee. pero bigla akong kinabahan at kinilig na parang gago . then nag usap kami kwentuhan . kinuha ko number niya at kinuha niya number ko . yun nga lang biglang sabi may boyfriend siya at nalungkot ako dun . Inisip ko na lang friends lang talaga . Na turn on ako sa kanya ng sobra . dahil prangka siya sino ba namang babae ang mag sasabi sa lalake na kakakilala niya lang at sasabihin na " ALAM mo natatae ako " Oh diba ? Haha . natawa ako sa kanya at kinilig at the same time haha . Iba talaga siya sa mga nakilala ko . 

Sunday Evening naaalala ko pa mga between 8pm-9pm nag text siya sa akin na BRUNO MARS . nag madali agad ako at nag paload . para matext siya sobrang excited ako nung time na yun at natuwa . Dun kami naging close text text . pero friends lang talaga . hangang araw araw na kaming nag uusap text , call , wechat and facebook. yung mga time na yun sobrang nasasanay na ko na parati siyang kausap pero smpre di ko naman sadya na ma fall sa kanya pero tinago ko ang nararamdaman ko dahil ayokong masira ang pag kakaibigan namin . sabi ko na lang sa sarili ko na mabuti na tong friends lang at least alam kong di ako masasaktan . 

Pinangarap ko siya ng sobra. nangako ako sabi ko mapasa akin lang itong babae'ng to gagawin ko ang lahat para mapasaya siya . hinding hindi siya papaluhain o sasaktan . aalagaan habang buhay at itatratong prinsesa . Lahat gagawin ko para mapangiti siya. Kahit ano pang pwedeng mang yari makuha ko lang ngiti niya. dahil sa simpleng ngiti niya. nabubuo ang araw ko . nawawala ang pagod ko . at pag nalulungkot ako onting pa kwela niya lang natatawa na agad ako . at sumasaya ako sa simpleng ganun lang niya.  

Wednesday night. Nag kita ulit ako sa gimikan . Yun yung moment na, narealized ko na iba na talaga tong nararamdaman ko . Dahil nung oras na nakita ko siya at ngumiti siya sa akin feeling ko dalawa lang kaming mag kasama, madaming tao dun pero siya lang nakikita ko. wala akong marinig na music ang naririnig ko lang e ang puso ko na tumitibok sa kaba at saya dahil nakita ko ulit siya. di ko akalaing ma fafall ako pero di ko pwedeng sabihin ee. dahil baka masayang ang lahat. That time nag share siya sa akin na malabo na sila ng Boyfriend niya. pero di ako nakealam dahil wala ako sa pwesto para mag comment . kasi alam kong negative masasabi ko dahil mahal ko na siya nung araw na yun . di ako nakealam nun .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beginning of our FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon