Ang Diary ng CRUSH ko (A Love Story in Diary :: Short Story)

6.7K 155 74
                                    

Ang Diary ng CRUSH ko (Short Story)

by IAmNowHereForYou

© October 14, 2012 by JoyJoy V. | All Rights Reserved

This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the writer except for the use of brief quotations in a book review.

DO NOT COPY. DO NOT PRINT. DO NOT SELL.

~ ~ ~

Kung mahal mo na, wag ka ng magpaligoy - ligoy pa! Diretsahan na para tapos ang problema.

Total, dun din naman ang punta!

- - - -

*KKKKKRRRRRRIIIIIIINNNNNGGGGG!!!!*

"Pakihatid na lang 'yan sa office ko."sabi ni Ms. Fejardo nung nag - bell at saka sya lumabas.

Napatingin ako sa notebook na nasa harap ko...

Matatapos na ang taon at malapit na rin namin ipasa 'tong notebook na 'to. 'Yung bagay na nagtatago ng lahat ng kalokohan at sikreto ko tungkol sa crush ko.

 ----

Ako si Patricia Y. Crisostomo, 4th year high school.

*KKKKRRRRRIIIINNNNGGGG!*

Nagbell na naman, tapos na ulit yung 5 minute break namin per subject. In short, Math class na namin. Y_Y Gusto ko pa naman na nagsusulat dito sa diary ko.

"Ah, Sir! Excuse lang po. Dadalhin ko lang po 'yung mga notebook namin sa Faculty."napatingin ako sa umagaw ng attention ng klase.

-__- As usual, si Darren 'yun. Pero sa mga ganitong cases lang ako nakakatingin sa kanya... kapag alam kong marami din ang nakatingin at hindi nya mapapansin yung tingin ko.

Siguro alam nyo na kung sino sya para sa ‘kin… Oo, ang madalas mong maririnig sa mga babaeng single at tanging ito lang ang pinanghahawakan. Tama. Si Darren, sya ‘yung long time crush ko. -_-

Nagtataka siguro kayo kung bakit malakas ang loob ko magsulat ng mga ganung bagay, diary yun ng school works. Ahh... siguro kasi ako ‘yung babaeng nasa panahon ng 1500, hindi marunong umamin, kahit magparamdam man lang.

Goodbye muna sa ngayon! :)

****

Heto na naman ako, nasa study table ko at nagsusulat ng mga nangyari ngayon araw. Before uwian ko lang kasi nakuha 'tong mahal kong diary.

Anyway, si Darren nga pala ay photographer ng school paper at newswriter naman ako. Wag nyo sana akong pagalitan pero sya ulit ang dahilan kung bakit ako naging newswriter.

Kaso kahit anong gawin kong pagsunod sa kanya... bale wala pa rin.

Wednesday ngayon at kanina may meeting kaming mga staff para sa darating na event ng school.

Actually, last subject na nun nang biglang...

"Uy! Patricia! Sabay tayong pumunta ng Hall mamaya!" napatingin ako dahil sa sigaw nya habang napasok sya sa room.

Dugdug. Dugdug.

>___< Iyon ang mahirap sa 'kin e. Tuwing tatawagin nya ko sa pangalan ko, kinakabahan ako.

Ang Diary ng CRUSH ko (A Love Story in Diary :: Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon