Wattpad Love

11.9K 104 25
  • Dedicated kay all dreamers. Ü
                                    

Wala naman maexplore rito..

Second year na ko pero wala pa rin akong maging crush sa campus na to.. 'yung crush talaga na kikiligin ka kapag nandiyan na siya. May mga gwapo naman kaso di ko type.

"Andami ng dumaang maitim a. Wala ka pa rin napipili?" Sabi ni Gerald, ay Geraldine pala. Friend ko 'yan tapos magkaklase kami since high school then school mate naman kami ngayon, magkaiba kami ng course e. 

"Maitim? Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.

"'Di ba type mo gano'n?" Sagot niya na may as if he's stating an obvious fact.

"Weh? Bakit? Paano?" Sunod-sunod na bato ko sa kanya.

Tinapat niya sakin 'yong kamay niya tapos sabi niya, "James, Ren, Aldrin, Luis, Mac--"

"Oy!" Saway ko sa kanya, nagtataas pa talaga siya ng isang daliri pagkasabi ng isang pangalan.. "Bakit mo sila ine-enumerate?!"

"Slow. Lahat sila MAITIM." Sabay hatak sa buhok ko.

"Aray!" Pinalo ko siya. "Moreno naman sana o." Sabi ko pa.

"Maitim sila!" Pilit pa rin niya.

"Huh! Ikaw naman puro malalaki katawan ng gusto mo!"

"Syempre, papa 'yon." Simpleng sagot niya.

Dahil first day of class, wala kaming magawa, ang aga mag-dismiss ng profs e. May next class pa kasi kami kaya 'di pa pwede umuwi. Kaya heto, nasa shed kami,naghahanap ng pwedeng maging crush. Ang kaso, wala pa kaming makita!

"Sa comp. lab tayo, Chai. Pwede mag-net do'n 'di ba? May ise-search ako e." Aya niya sakin.

Tumayo na siya kaya ako rin. "Pwede bang mag-Wattpad do'n?"

"'Yung may mga story sa net? Pwede yata. Ang alam ko kasi, bawal lang FB do'n." Sagot naman niya.

Na-excite naman ako kaya hinatak ko na siya. "Tara, dali! Walang magawa dito."

Umakyat kami sa LAB. Sa 4TH floor 'to tapos malapit sa library, ang lamig!! Sana dito na lang room namin, ang init kaya sa 2ND floor! Naka-vest pa kami pero hindi ngayon, wash day e.

Kailangan ng Library Card.. bakit? Hindi ko alam. Maximum of two (2) hours lang daw per day, libre kasi to e. Bawal social networks, pati mga laro.

Konti lang tao. Sabagay, medyo maaga pa naman at saka first day pa nga lang naman pala. Do'n kami pupwesto sa dulo para magkatabi kami. One seat apart kasi mga tao dito! 20 units 'yong comps tapos 7 lang sila dito. IMAGINE?! Tinitingnan ko lahat ng mga ginagawa ng mga tao dito: may Wikipedia, Google, may nagta-type, may Wattpad.

May Wattpad? Waaah! So swerte. Teka, lalaki siya. Lumapit ako ng konti, account niya 'yong nakalog-in sa Wattpad. Ay, bakla kaya siya? Sabi kasi ng boys na kaklase ko, ang korni daw ng Wattpad.

Lumapit pa ko, profile na niya 'yong tinitingnan niya, scroll down, scroll down.. "ANG DAMI NAMAN NIYANG NASULAT NA STORY!!"

Opps. Napalakas 'yong pagkakasabi ko.

"Miss? What's the problem?" Tanong sakin ng bantay dito sa LAB.

Napakagat ako sa labi tapos napayuko na lang. "Nothing, Ma'am. I'm sorry."

Pahiya ako! Nakita ko si Heraldo na natatawa sakin. TSS!

Uupo na sana ko nang mapansin ko si Kuyang nagwa-Wattpad, nakatingin rin siya sakin. Aww.. Nakakahiya.

Gwapo pala 'tong si kuya e. Hindi siya mukhang bakla, pero ang puti niya. Pwede siyang maging crush! Kaso, napahiya ako sa harap niya. Kainis. Iniwas ko na lang 'yong tingin ko tapos nagstart na kong mag-Wattpad.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon