Prelude: Present Day
Naglalakad si Lestat papuntang counter ng gym nang matanaw niya ang isang babae na nakatalikod sa kanya, kausap nito si Roger. Lampas ng isang dangkal sa balikat ang tuwid nitong buhok na itim na itim ang kulay. Biglang kumabog ang dibdib ni Lestat. Pinagmasdan niya ang suot nito na off shoulder dress na kulay itim na may dalawang pulgada bago dumating sa tuhod ang haba. Litaw na litaw ang hubog ng katawan ng babae at nasambit niya sa kanyang sarili na nag-wowork out ito dahil buong buo ang hubog ng puwet nito. Kumabog ulit ang puso ni Lestat. Naka-palumbaba ito sa counter habang kausap si Roger. Palagay niya ay nasa 5'8" ang taas ng babae at tantsa niya ay nasa 125 – 130 pounds ang timbang nito. Bumilis nang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Nang mapansin na ni Roger na paparating na siya ay sinabi nito sa babae na, "Ayan na pala si Idol". Parang bumagal ang oras nang dahan dahang lumingon sa kanya ang babae at parang modelo ng shampoo na sumusunod ang buhok sa paglingon sa direksyon ni Lestat. Hinawi ng babae ang buhok nito at napatulala si Lestat nang makilala kung sino ang babae. Si Chelsea ang babae. Ibang iba na ang itsura nito kumpara nung huli niyang nakita. Mas gumanda pa ang dalaga, nag go-glow ang makinis at maputi nitong balat, naka-blush on na ito, naka- lipsticks ng pinkish red, at bumagay ang inahit na kilay nito sa mapungay at mahabang pilik- mata ng dalaga. Si Chelsea ang unang bumati na hanggang tenga ang ngiti.
Chelsea: Coach Tats, kumusta?
Napatulala si Lestat nang muling makita si Chelsea. Sa loob ng pitong buwan ay hindi siya tumigil sa paghahanap sa dalaga. Pero ngayong kaharap na niya ito, naghahalo ang tuwa, pananabik at kaba sa kanyang damdamin.
Sasagot pa lang sana siLestat nang may lalaking pumasok. Matangkad ang lalaki na palagay ni Lestat aykasing taas niya. Kasama ni Chelsea ang lalaki...
BINABASA MO ANG
Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)
Romance"Mataba, Baboy, Balyena, Butanding, Elepante etc"..ilan lang ang mga ito sa mga panunukso kay Lestat ng mga tao para makaranas siya ng matinding depresyon. Hanggang sa nakilala niya si Daisy, na kanyang naging inspirasyon para simulan ang pagpapapay...