•Narrative•
December 26. My 15th Birthday.
Bukod sa kinain lang namin nina Mommy, Daddy at ng bunso kong kapatid ang ni-reheat na pagkain noong Pasko, wala namang ibang nangyari sa buhay ko kundi magpasalamat sa mga bumabati sa'kin sa Facebook.
Kahapon pa ako pinuntahan ni Larrent dito sa bahay at dinalhan niya ako ng BFF Fries ng McDo. Oo, ganoon talaga kalaki ang binili niya. Alam niya kasing mahilig ako sa kahit anong pagkain basta patatas. Regalo niya daw iyon sa'kin para sa birthday ko.
Pagkatapos noon ay tumambay siya sa bahay ng mga isa hanggang dalawang oras siguro, tapos nagpaalam na siya. Noong inihatid ko na siya sa gate ng bahay namin para makalabas, nagulat ako nang may labing-apat na batang biglang kumanta ng Happy Birthday Song habang tumutugtog ng sa tingin ko'y mga instrumento na ginagamit din nila para sa pangangaroling. Pagkatapos ay isa-isa nila akong binigyan ng bulaklak na Santan.
Pagkakuha ko ng lahat ng ito, nilingon ko si Larrent. Nagulat ako ng may hawak-hawak siyang yellow rose at ibinigay sa'kin.
"Happy 15th Birthday sa best friend ko." aniya habang matamis na nakangiti at inabot sa'kin ang rose.
Tinanggap ko ito. "Grabe, ang sweet naman ng best friend ko! Salamat. "
He spread his arms at agad naman akong sumugod ng yakap sa kanya. Habang nasa loob ng bisig niya ay tinanong niya ako. "Nagustuhan mo ba? Pasensya na. Hindi ko masyadong napaghandaan, e. "
Bigla akong napahiwalay sa kanya at tiningnan siya. "Wow, 'di ka pa prepared niyan, ah? Paano pa kaya kung oo? "
"Baka binilhan kita ng potato farm bilang regalo. " sagot niya and he chuckled.
"Ay, mayaman. Pero... Larrent, thank you talaga ah? The best ka talaga. Dinaig mo pa boyfriend ko kung makapag-effort ka. "
Napataas ang kilay niya. "Ang tanong, may boyfriend ka nga ba? "
"Ayon lang, nasa libro e. Yung iba naman nasa Korea. "
"Haha! Ok lang mangarap, Kiyarah. "
"Yeah right. " I rolled my eyes then laughed.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...