Ako nga pala si Hiro Jimenez. Only Child. Masaya at kuntento na ako sa buhay ko. Masaya ang aming pamilya. My dad is working on a real estate company and my mom is working abroad. Si dad ang nag aalaga saakin. I'm 18 years old, soon to be CPA. Hindi kami mayaman, Hindi rin kami mahirap. Naibibigay naman ng mga magulang ko ang mga pangangailangan ko. Pinalaki ako ng mga magulang ko na may takot sa Diyos at puno ng pagmamahal. Para sakin perpekto na ang pamilya ko.Isang araw. Araw ng linggo iyon. Nag simba kami ni papa, mabilis din natapos ang misa. Pumunta kami ni papa sa Starbucks at nag lakad lakad sa park sa subdivision namin.
"Nak, may girlfriend ka na ba?" tanong sakin ni papa.
"Wala pa po. Pero may nililigawan po ako." sagot ko kay papa habang kinakamot ang batok.
"Ilang buwan mo na siyang nililigawan?" tanong ni papa habang sumisimsim ng kapeng binili namin sa Starbucks.
"Limang buwan na po. Meron po kasi siyang trust issue kaya medyo matatagalan ang panliligaw ko sakanya." nahihiya kong sabat sa tanong ni papa.
"Hmm, ganoon ba? Kaya mo yan nak. Tsaka bilib ako sa'yo kasi hindi mo siya pinipilit o di kaya'y minamadali. Dadating din ang tamang panahom at makakamtan mo rin ang matamis niyang oo." pagpapalakas ng loob ni papa sabay gulo ng buhok ko.
"Salamat pa. I can wait forever, if she'll say she'll be there too. Hahaha." pagpapasalamat ko kay papa.
Tahimik kaming naglalakad pauwi sa bahay ng biglang may tumawag na babae kay papa.
"Marvin!" sigaw ng babae sa pangalan ni papa. Ramdam na ramdam ko na nabigla si papa.
"Sino siya pa?" tanong ko kay papa.
"Ah nak. Pwede bang mauna ka ng umuwi?" tanong ni papa na parang di mapakali.
"Sige pa. Ingat ka." sagot ko kay papa at tinanguan ako bilang sagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad at si papa naman ay linapitan ang babaeng tumawag sakanya. Umuwi ako sa bahay at natulog.
February 14, araw ng mga puso, may pasok kami syempre. Pero pinakiusapan ko ang mga guro at ang aming principal para mag handa ng surpresa para kay Fria. Ang babaeng mahal ko. Pinayagan naman ako. Anim na buwan na akong nanliligaw sakanya at di ko na kaya pa. Sa room nila ako nag ayos ng surpresa, tinulungan ako ng mga kaklase ko at mga kaklase niya. May inutusan naman ako na abangan siya sa may gate at lagyan ng blindfold. Kinakabahan ako, pinagpapawisan ako ng malamig. Sasagutin niya ba ako?
Bumalik ako sa reyalidad ng bumukas ang pinto ng room nila. Kinuha naman ng kaklase niya ang blindfold at nagulat siya sa surpresa ko. Linapitan ko siya.
"Fria, di ko na talaga kaya. Mahal na mahal kita. Tuwing nakikita kita sumasabog ang puso ko..." sabi ko sakanya at nilapitan ko siya sabay hawak sa kamay niya. Halata parin sa mukha niya ang gulat.
"Fria, will you be my girlfriend?" sinabi ko sakanya ng buong puso at tiningnan siya sa mata.
"Yes Hiro. Yes!" sabi niya at nabato ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko namalayan na yakap yakap ko na pala siya. Nag si tilian ang mga taong nakasaksi sa isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay
ko."Yun oh!"
"Oh my gooooood!"
"Di nasayang yung effort nating tulungan si Hiro! Whooo!"
Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"God knows how much I love you Fria." bulong ko sakanya at hinalikan siya sa nuo.
YOU ARE READING
Step Sister - One shot
Non-FictionMinsan kailangan nating ibaba ang pride natin dahil may namimiss tayong chances dahil diyan.