Chapter #14

1.4K 32 0
                                    

.
  "Girlfriend! girlfriend!? Ano paki ko!"
Paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko.. Recess na kasi namin at papunta kami ngayon sa canteen para kumain siyempre..
Habang ang dalawa ay nakasunod lang sakin..

"Akala nila maapektuhan ako! Hindi no! NEVER!!"
Sambit ko ulit sa sarili ko ng makapag-order at nasa upuan na kami..

"Hoy! girl! Yan ba ang itsura ng hindi affected.. E kulang nalang gilitan mo ng leeg yong babaeng yon."
Sabi ni May-Annie na nasa tabi ko lang..
E panong hindi! ang yabang yabang niya.. Na akala mo nanalo sa loto!.

"H-hindi naman talaga e! Masyado lang kasing mayabang.!"
Palusot ko..

"Ok! Sinabi mo e!"
Walang ganang sambit ni May-Annie..

"Alam mo girl! Hindi maaagaw ng babaeng yon ang husband mo! Girlfriend lang siya at ikaw ASAWA!! wala siyang kalaban laban sayo girl!!"
Paalala ni Nannie na nasa harap ko lang..at kumakain ng hamburger.. Ang daldal talaga ng babaeng to.

"Pwede pakihinaan yan boses mo.. Ang dami kayang tenga dito sa canteen!?"
Sermon ko sa kanya..
"Tsaka wala talaga akong paki sa kanila.. Kung pwede lang pagmapalit na kami ng babaeng yon e!!"
Patuloy parin ako sa pagpapalusot..
Affected ba talaga ako? Ayoko sa nararamdaman ko ngayon.. Parang pinipilipit ang puso ko ng paulit-ulit..

Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa na parang walang nangyari.. Ako naman ay hindi pa ginagalaw ang pagkain.

.
"Oh! Yan pala si Felix e,, tanong mo kaya kong san si Diel!"
Sabi ni May-Annie.. Si Felix ay isa sa mga kaibigan ni Diel himala! nahiwalay ata siya ngayon!!

"Hey! Felix! Where's Diel!?"
Tignan mo tong Nannie nato? Dire-diretso talaga kong..

"Heyy!! Si Diel ba? i know nasa rooftop siya kausap si Jessica.. Mukhang importante e!"
Sagot ni Felix..
Gaano ba kaimportante para sa rooftop sila mag-usap!?

"Wait! pwede ba kaming magtanong! Kung okay lang!?"
Tanong ni Nannie ng papaalis na sana si Felix..

"Sure! why no!?"
Pagsang ayon ni Felix.. Ano na naman bang itatanong ng madaldal na babae nato.!

"Sino ba si Jessica sa buhay ni Diel!"
Diretsang tanong ni Nannie..

"Ahh!! Matagal na silang magkakilala ni Diel.! Naging sila in two months.. Wala pang dalawang linggo ng magpakasal kayo Roxanne.. Pero naghiwalay sila dahil kinuha si Jessica ng Daddy nito.. Kaya nga ngayon nagulat kami dahil bigla siyang sumulpot e!?"
Mahabang paliwanag ni Felix..

"So! Wala na sila ngayon!? Yon naman pala girl e!? Wala na naman na pala!
Tapos kong makapag emote ka dyan.. para kang tinutukan ng itak!?"
Malakas na sabi ni Nannie..

Hayy!! Ang babaeng to! Sasakalin ko na talaga to e.. Ang daldal grabe! Akala mo pipi! na ngayon lang biniyayaan ng boses!!

"Pwede ba! Hindi mo kailangang sumigaw Nannie!."
Mahinang sambit ko sa kanya at nilakihan siya ng mata..

"Tsaka wait! kanina pala! Bigla kong marinig ang tungkol sa baby.. Narinig ko kasing buntis si Jessica at si Diel ang ama!?"
Dagdag pa ni Felix bago tuloyang umalis at magpaalam..

"Aii! Nabokya!??"
Sambit ni May-Annie at napakagat sa baba ng labi niya..

Nong mga oras nayon.. Gusto ko ng lumindol at magpalamon nalang.. Hindi ko alam kong paano ako haharap sa kanya mamaya..
Kung magagalit ba ako,, oh matutuwa..

'Hayy!! Yang puso mo Roxanne! Kumusta na!?'

.
.
.

  Nasa bahay na ako at hindi ko alam kong itatapak ko paba ang mga paa ko sa pinto.. Oh liliko nalang ako..
Para ano!? Para takasan ang buhay na kahit kailan di ko naman ginusto..
'Please!! Kung sino man ang mga namayapa kong ninono dyan.. Please! Helpppp!!'

Mr. Maniac Fall In Love With Ms. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon