Ako si Celestine, maganda pero walang boyfriend. Di katulad ng mga kaibigan ko, lahat sila naka "in a relationship" na.
Hmp. Wala parin forever. 23! 23! HAHAHAHAHAHA.
Pero hindi naman ako nag iisa eh. Si Sky, kaibigan ko rin. LONER din pagdating sa love parang katulad ko.
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, nandito kami ngayon sa tambayan namin malapit sa school. Dito kami tumatambay kapag wala kaming klase.
"Asan na ba sila?" Angal nitong kaibigan ko, si Alyssa. "Antagal nga nila eh. Baka may dinaanan pa yung mga yun ah." Angal din nung isa, si Shiel.
"Pwede ba?! Kumalma nga kayo. Makakarating din yung mga yun." Sabi ko na lang dahil kanina pa sila aligaga sa paghihintay.
"Palibhasa kasi ikaw, wala kang boyfriend." Pangaasar sakin ni Shiel. Okay? Sila na. Sila na ang may jowa!
"Wala akong panahon dyan." I quickly response.
"Alam mo Celes, masarap magkaroon ng boyfriend." Sabi ni Alyssa sakin.
"Tch. Like what?" I ask. "Basta girl, masarap sa feeling pag may boyfriend." Sabi nya ulit. Napaisip ako. Oo nga no? Hindi naman siguro masama kung mag boyfriend ako diba?
Bigla naman nagsidatingan yung kanina pa nila hinihintay.
"Sorry, we're late." Biglang sabi ni Zach pag ka dating nya dito sa pwesto namin. Si Zach ang boyfriend ni Alyssa. He's taking business management sa Dream Arthur University, which is yung school namin.
"Yeah. Na-traffic kami eh." Paliwanag naman ni Tyron. Siya naman ang boyfriend ni Shiel. Isa syang MVP player ng volleyball.. syempre joke lang. MVP sya ng Basketball, dito rin sa school namin.
"Oo na. Oo na. Tara na. Galang gala na ako. Punta na tayo ng mall." Exited na sabi ni Shiel. "Bye na Celes. Aalis muna kami nila Zach. Double date haha. Ikaw muna bahala kay Sky ah? Yieee." Pang-aasar ni Alyssa sa amin ni Sky, pinsan nya kasi yon.
Oo nandito rin si Sky. Hindi lang naman ramdam yung prisensya nya kasi hindi naman sya nagsasalita. Ang tahimik. Nagbabasa lang sya ng libro kapag pumupunta sya dito.
"Tch. Whatever. At kayo *sabay tingin dun sa dalawang lalake* Ingatan n'yo ung mga kaibigan ko ah." Paalala ko sa boyfriend nitong dalawa. "Yes, boss." Chorus pa nilang sagot.
Nag si-alisan na silang apat. Naiwan na lang ako at si Sky.
Ang tahimik >_<
Habang nakaupo kami ni Sky, bigla syang nagsalita.
"Sa tingin ko tayo na lang ang left overs dito sa mundo." He directly said. Well, he has a point.
"Oo nga eh, lahat ng friends natin naka- in a realtionship na at tayong dalawa na lang sa mundo ang walang special na tao sa sa buhay natin." Forever alone and lonely tuloy kami.
BINABASA MO ANG
30 days with him [ONE SHOT]
Short Storylove is when starting in a game that leads to a tragedy...