Nakapulot ako ng isang diary sa ilalim ng Katipunan Tree (Actually Duhat Tree) sa loob ng pamantasang aking pinapasukan. Nakita ko sa unahang pahina kung sino ang nagmamay-ari. Si Crush. Nakaramdam ako ng excitement. Naalala ko na nakaupo nga si crush dito kanina habang tinatanaw ko sya sa malayo.
Dahil pang-hapon ako at uwian na wala ng masyadong tao nun sa paligid. May iilang mga mag-aaral at guro pero sila yung mga nabibilang sa night high school. Matapos kong masigurong wala na akong kakilala sa paligid naupo ako sa lugar kung saan ko napulot ang diary at sinimulan kong buksan ang bawat pahina.
Nagulat ako sa mga nabasa ko sa unang pahina. Hindi man nakasulat yung pangalan ko pero alam kong ako yung tinutukoy nya. At sa patuloy kong pagbabasa nalaman ko na may lihim rin pala syang pagtatangi sa akin. OH MY GOSH! Ganun ba ako kamanhid para hindi ko malaman na pareho lang pala kami ng nararamdaman. Ang galing nya magtago ng FEELINGS, hindi halata sa kanyang mga kilos.
Yung mga pagkakataon na nagkakasalubong kami at hindi nya ako tinitingnan, malamang dahil ayaw nyang mahalata ko na may GUSTO rin sya sa akin. Hindi rin nya ako kinakausap kapag may group work kami. Kapag may tinatanong ako madalas na ituro nya ako sa iba kong kaklase dahil ayaw nyang mahalata ko ang nararamdaman nya. Hindi sya makatitig sa akin.
Nakasulat dito sa kanyang diary yung lalaking napupusuan nya. Ayaw nya sa maputi dahil mukhang bakla daw. Ang gusto nya ay kayumanggi dahil lalaking lalaki daw ang dating. Nakaka-inlove din daw ang galing sa pag-guhit. Isa pa raw sa katangian na nagugustuhan nya sa isang lalaki ay yung pagiging tahimik at well mannered para hindi nakakahiyang ipakilala sa magulang. Ayaw nya rin sa lalaking maraming nagkaka-crush. Hindi masyadong gwapo ang type nya. Walang duda at ako nga ang tinutukoy nya.
Sa ilalim ng Duhat Tree na iyon bigla akong nakapag-day dream. Kaming dalawa. Sa altar. Kinakasal. Tama! Sya na ang babaeng aking pakakasalan. Nasabi ko sa sarili ko na bukas na bukas din ay ipagtatapat ko sa kanya ang aking nararamdaman.
Itinuloy ko ang aking pagbabasa.
Bigla na lamang tumulo mula sa aking mga mata ang luha. Ang lahat ng saya na naramdaman ko kanina ay naglahong parang bula. Parang gumuho ang aking mundo at mula sa kinauupuan ko ay gusto ko nang mamatay.
Nung binasa ko yung bawat salita sa diary nya naging maliwanag ang lahat. Yung taong tinutukoy nya at hinihintay nya ay hindi pala ako...kundi ang bestfriend ko. Dapat nung una pa lang nalaman ko na. Nalaman ko na bandang huli, pangalan ng bestfriend ko ang isinulat nya.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ni Crush
Teen FictionAno ang gagawin mo kapag napulot mo ang Diary ng Crush mo?