Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 9.1
“Handa na ang agahan!” masigla at malakas na sabi ni Peter nang buksan niya ang pinto. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya pumungas-pungas muna ako bago umupo ng kama. Dama ko ba ang medyo mapaklang lasa sa bibig ko.
“Breakfast in bed!” nakangiting sabi niya bago umupo sa gilid ng kama. Nakasuot pa ‘ko ng pajamas at nakalatag pa ‘yung kumot sa kalahati ng katawan ko.
Napailing na lang ako at ‘di maiwasang mapangiti sa hitsura niya. Suot pa kasi niya ang bulaklaking apron na siguradong gamit ni Tita Carol sa tuwing magluluto. Binuksan niya ang takip ng mangkok, naamoy ko ang sabaw ng sinigang. Umuusok pa ‘yun sa init. May tatlong pandesal din sa isang plato at dalawang baso naman ng gatas sa gilid ng tray.
“Teka, sandali lang ha,” sabi ni Peter bago lumabas ng kwarto. Bumalik siyang dala ang isa pang tray na may kanin. Natawa na lang ako sa kanya.
“Ano ba? Gusto mo ba ‘kong tumaba?” humahagikhik na sabi ko sa kanya. “Tatlong pandesal, sabaw ng sinigang, kanin at gatas. Seriously?” komento ko pa habang tinitingnan ang mga pagkain sa tray.
Hinubad niya ‘yung apron at tumabi na ulit sa ‘kin. “Kahit na tumaba ka pa, hindi pa rin magbabago ‘yung tingin ko sa ‘yo,” malambing na sabi niya kasunod ng pagkiliti niya sa bewang ko.
Pumikit naman ako at muling tumawa, tinatago ang kilig na nararamdaman. “O sige na, kumain na tayo, okay?” Kinuha ko ang isang plato, kutsara tinidor at nilagay ‘yon sa tray ko.
Tiningnan ko si Peter habang naglalagay ng ulam sa kanin niya, siguradong maaga siyang gumising para gawin ang lahat ng ‘to. May talento rin pala siya sa pagluluto, kagaya ko rin. Marami talaga kaming pagkakapareho ng hilig at mga hilig gawin.
Pagkatapos niyang lagyan ng ulam ‘yung plato niya, bigla siyang tumingin sa ‘kin kaya nahuli niya ‘kong nakatingin sa kanya.
“Nagugwapuhan ka na naman sa kababata mo?” pabirong sabi niya.
Umirap naman ako sa kanya ng pabiro. Sinimulan naming kumain ng agahan. Sumagi lang sa isip ko na ito ang unang agahan ko na ganito kami ni Peter, na higit kami sa magkaibigan. Sa madaling salita, ito ang unang beses naming kumain ng agahan bilang mag-boyfriend at girlfriend. Napangiti ako sa isiping ‘yon.
Nasa wastong edad na naman kami at wala akong nakikitang mali kung tinanggap ko man na maging boyfriend siya. Ang alam ko lang, dapat akong maging handa sa magiging consequences ng pagmamahalan namin kung meron man.
Pareho kaming napatingin sa huling pandesal sa tray. Nagkatinginan muna kami ni Peter bago kami nag-unahang makuha ‘yon. Siyempre, palagi naman siyang nanalo sa ‘kin dahil mabilis siya at wais. Tinapik niya ‘yung tray dahilan para lumipad ‘yung pandesal at saluhin niya.
“Ang daya mo!” Tinapik ko siya sa balikat.
“Ako pa ha?” sabi niya kasunod ng pagkagat sa pandesal. Inakbayan niya ko at inilapit sa kanya. Imbis na mainis, natunaw na lang ‘yung inis ko sa pagkuha niya sa pandesal at napatawa. “Gusto mo?” sabi niya, ngumunguya. Hindi pa man ako nakakasagot, kumuha siya ng kapiraso sa pandesal.
“Ako na!” natatawang sabi ko habang pinipigilan ang kamay niyang isubo sa ‘kin ‘yung pandesal.
“Nganga na baby,” sabi niya habang patuloy pa rin ang pag-abante ng kamay. Dahil mas malakas niya, naisubo niya rin sa ‘kin ‘yung tinapay. “Oh, ‘di ba masarap ‘pag ako mismo ang nagsubo?” ngingiti-ngiting sabi niya.
Tumayo na siya sa kama at pinagpatong-patong ang tray kasama ng mga plato, baso at kutsara. “Swimming tayo? Tagal na rin nating hindi lumalabas ng bahay, bukod kahapon. Sa tingin mo?” aya niya.
Humiga ako ulit sa kama para ipakitang wala akong gana. Tumabi naman siya sa ‘kin at pinisil pisil ang ilong ko.
“Sige na, Tinker?” parang batang sabi niya.
“Puwede bang… pass muna?” tinatamad na sabi ko.
Akala ko tatayo na siya pero bigla niya akong kiniliti. “An—Ano ba! P—Peter! Ha-ha! Itigil mo nga ‘yan!” sabi ko sa gitna ng pagtawa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa sa ginagawa niya.
Tumigil siya at hinawakan ang dalawang kamay ko at ikinulong sa mga kamay niya. Nakapaibabaw siya sa ‘kin kaya naman medyo nailang ako sa puwesto namin. “Ano? Magsi-swimming tayo o hindi?”
“Sige na,” sabi ko na natatawa pa rin.
“Sabi mo ‘yan ha!” Bigla siyang humalik sa pisngi ko bago tumayo at kunin ang tray na nasa mesa. “Tumayo ka na diyan, marami tayong gagawin ngayon,” sabi niya pa bago lumabas ng kwarto.
Please leave a vote/comment after reading! :)
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Teen FictionOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...