Chapter Fourteen:
Hindi na ako halos makagalaw sa kwarto ko dahil sa sobrang gulo. Sabado na ngayon. At malamang sa malamang, linggo na bukas.
Bukas.
Bukas ko na siya makikilala.
At oo. Abot hanggang langit ang kaba ko para sa araw na yun.
“Ano ba yan. Bakit anggulo-gulo ng kwarto mo.”
“Wala po ‘to, Ma. Naghahanap lang po ng susuotin para bukas.”
Nasabi ko na nga pala kay mama na aalis ako bukas. Pero ang alam niya, may seminar akong pupuntahan.
Hindi talaga ako mapakali sa kakahanap ng damit na susuotin para bukas. Gusto kong maging perpekto ang lahat.
Gusto kong maging perpekto sa mga mata niya.
Alam ko. Walang kasiguraduhan na siya nga ang inaasahan kong nagbibigay ng rose sa akin araw-araw. Pero siya yung lalaking iniisip ko sa tuwing nakakakita ako ng isang rosas sa loob ng locker ko.
Bukas ko na malalaman ang lahat.
*****
Nagising ako ng sobrang aga at lumabas ng kwarto nang may abot tengang ngiti. Nagulat pa nga si mama dahil hindi naman daw ako kadalasang ganito.
Sinimulan ko ng tama ang araw ko. Tinulungan ko si mama sa mga gawaing bahay bago nagsimulang mag-ayos ng sarili.
“Ma aalis na po ako.”
Dali-dali akong lumabas ng bahay. Iniiwasan ko kasing makita ni mama yung suot ko dahil nga sa hindi naman talaga ako mukhang pupunta sa isang seminar.
Hindi ko mapigilang mailang habang naglalakad. Halos lahat kasi ng tao nakatingin sa akin. Palibhasa hindi sila sanay na ganito ang ayos ko.
Kung tutuusin, simple lang naman ang napili kong damit para sa araw na ‘to. Naka-black skirt lang ako at naka-white na sleeveless top. Kinulot ko lang ng kaunti yung buhok ko at naglagay ng kaunting make-up. Hindi na ako nagsuot ng heels dahil baka isipin pa niya na sobrang pinaghandaan ko ang araw na ‘to.
Kahit na yun pa ang totoo.
Nakarating na ako sa bus station. At dahil nga sa linggo ngayon, wala masyadong mga pasahero.
Hindi ko nagawang makatulog sa byahe. Sino ba naman ang makakatulong kung ganito nalang kalakas ang kabog ng dibdib mo.
“Good afternoon ma’am.”
Bati sa akin ni kuya konduktor. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung konduktor nung nakasabay ko si Kian papuntang Manila.
Si Kian.
Andaming beses na pala kaming pinagtagpo ng tadhana. Pero bakit nga ba ngayon ko lang naramdaman na kakaiba pala siya?
Na isa siya sa mga espesyal na tao sa buhay ko.
“Ingat sa pagbaba ma’am.”
“Thank you kuya. Ingat din po kayo.”
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ngayon at ganito nalang ako kabait sa mga tao. Siguro nga dahil sa masaya lang talaga ako.
Nakarating ako sa university pavilion nang mga quarter to three. Umupo lang ako doon habang nag-iisip ng mga pwedeng sabihin mamaya.
Magugulat pa kaya ako kapag nalaman ko na siya ang hinihintay ko ngayon? Maluha kaya ako sa saya dahil sa wakas ay magkikita na kami? O sa lungkot dahil hindi pala ang siya na inaasahan kong darating?
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Teen FictionLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?