Fairy tales, happy endings, meron ba talagang ganon? Simula nung nabigo ako for the 5th time sa pag-ibig, tumigil na rin ako sa paniniwala sa fairy tales at happy endings. Eh sa wala na talagang nagkakamaling magmahal pa sakin eh. Kasi lahat nalang ng nagugustuhan ko, kung hindi BAKLA, eh TAKEN naman. Pero mabago pa kaya ang kapalaran ko with this guy? Okay, simulan na na natin ang malagim kong istorya. Chos! Please bear with me lang kasi hindi ito typical na novel na mababasa mo sa pocket book or kung saan man. Kasi puchu puchu lang 'tong nobela ko. At 50-50 fact and fiction 'tong mga nakasulat dito, so I'm hoping you'll like this one, okay? Haha Nag-super explain pa talaga ako eh no. :D
Well, it all happened during my call center training. Habang naghihintay sa aming trainer, nagsimula akong chumika sa katabi ko.
"What do you think our trainer looks like?"
At siyempre, kailangan ko talagang mag- english dito, dahil sa English Chenelyn Policy ng kompanya.
"Hhmm. I don't know. But I hope he's not mean." Sabi naman ng aking katabi. Oo nga naman, bakit ba itsura agad tinatanong ko, eh ang mahalaga naman, dapat mabait yung magiging trainer namin diba? Haha!
Anyway, ilang saglit pa'y dumating na ang aming trainer. And to my surprise, isang matangkad, moreno at chinitong lalaki ang tumambad sa amin. Napaka layo nya sa inaakala ko. Napanganga nalang kaming lahat habang nakatitig sa kanya. At nasabi ko nalang sa sarili ko, "Shocks! Ang gwapo!"
"Hi guys! Sorry, but I'm not gonna be your trainer for today."
"Nye! Sabay ganon?!" Sabi ko sa aking isip.
"No, I'm just kidding. I'm going to be your trainer for the whole training and let's now proceed to our first activity. Oops, but before that, let me introduce myself. I am Eugene Caballera. I've been a trainer here for almost a year now. But I used to be an agent like you guys. I'm 25 years old. And despite of my busy schedule, I can still manage to play video games every night and I can manage my love life as well." Litanya ng lolo mo.
Well, Eugene nga ang pangalan ng mokong na 'to. At siya na ata ang pinaka gwapong lalaking nakilala ko. I love his eyes, his lips, his nose, his complexion and his built. Wow, too perfect for me!! At ayun nga, nagsimula na ang aming first activity; ang getting to know kembot. Syempre, isa isa nang nagpakilala ang mga bruha. At halatang halata sa gestures nila na nagpapa-cute sila kay Eugene. Pero, nung turn ko nang magpakilala, aba hindi ako nagpa-kabog no! At ganito ang pakilala ko sa kanilang lahat,
"Hi, my name is Jenica Averilla. People call me Jen. I passed up an invitation in Harvard University, to take up Communication at the Philippine University of the Philippines. The most unique thing about me is that I always get what I wished for.."
At biglang ininterrupt ni Eugene ang aking pagsasalita.
"Really? As in eveything?" With matching amusement in his eyes.
"Yah.." Matipid na sagot ko na feelingerang confident na totoo talaga sinasabi ko.
Pero ang totoo talaga, kasinungalingan lang yung part na yon. Kailan ko ba nakuha mga ginusto ko diba? Nagpapa-impress lang ako sa kumag na 'to! Hahaha!
"Oh.. So if you wish for me to be your man, do you think it will come true?" Sabay banat ni Eugene na may kasamang titig na para bang inaakit ka.
At syempre, kinilig naman ang mga wave mates ko pati na rin ako diba?
"Um.. Yes, of course!'" Nasabi ko nalang kasi wala na talaga akong masabing matino nung mga oras na yon.
"Why?' Tanong ni Eugene
"Why not?" Kalandiang sagot ko, na mas lalo pang nagpakilig sa lahat. At mukhang natuwa slash natawa naman si Eugene sa sinabi ko. Kaya mas naging malandi pa ang mga titig nya.
"Well, if that's the case, you should be careful if you wish for me. Because you just might get me." Tas tumawa nanaman ulit sya.
At mas lalo pang nagwala ang mga bruhilda kong wave mates. Ako naman, parang gusto ko nang bumulwak sa sobrang kilig. Biiruin mo, unang araw palang eh napansin na nya agad ang alindog ko. Charot! Pero dahil ayoko namang ipahalata ang kilig ko, eto nalang ang nasabi ko,
"Okay. Anyway, let's go back to my little introduction. Aside from that unique trait, I am a blogger, I love taking pictures and I play some musical instruments like guitar and drums. That's all! Thank you so much for listening! Xoxo!"
At natapos na ang nakaka lurkei na pagpapakilala ko. At hindi parin naka- move on ang mga wave mates ko kaya super hiyaw parin sila. Si Eugene naman, eto nalang ang nasabi,
"Well, thank you Jen. How I love your introduction. Let's proceed with next..."
Ayos! Ganda points agad! Hahaha! At nagpatuloy na ulit sila sa pagpapakilala, habang ako nama'y nakatulala sa kawalan. Teka, siya na ba talaga? Or baka flirt lang talaga 'tong trainer namin. Pero one thing's for sure, siya na nga ang dream guy ko! ;)
BINABASA MO ANG
The Guy That Got Away
RomanceItago nalang natin ang mga bida sa pangalang Jen at Eugene. Hindi sila tauhan sa Ghost Fighter at lalong hindi ito tungkol sa lalaking naglahong parang bula dahil nabuntis nya si girl. Hindi iyon ang ibig sabihin ng "The Guy That Got Away" sa story...