Chapter 3

16K 254 20
                                    


"Boss, babale po sana ako ulit." Kinapalan ko na talaga ang mukha ko para lang makabale ulit sa boss kong intsik.

Abala ito sa pagbabasa ng kanyang dyaryo. "Mr. Yuchengco?" Tawag ko, mukhang hindi kasi ito nakikinig.

May katandaan na kasi ang intsik kaya medyo mahina na ang pandinig.

"Bale na naman?" Binaba nya ang dyaryo, narinig nya pala ako. Basta pagdating talaga sa pera ang talas ng tenga nya.

"Ikaw, a. Pang apat kana bale saakin."

"Pasensya na po talaga, kailangan ko kasi ng kwarta." Sana naman pagbigyan nya ulit ako.

Masipag naman akong empleyado dito sa pagawaan ng mga laruan nya. May kalakihan din itong negosyo nya at malakas kita. Kaya sana naman pagbigyan nawa.

"Nansi, ikaw trabaho muna bago ko ikaw bigyan bale ulit." Salita ng insik.

Napakamot ako sa ulo. "Pero, boss. Tapos na po ang shift ko." Reklamo ko sa kanya.

"Ikaw overtime para payag ako bale ulit." Bumalik uli sya sa pagbabasa nya sa kanyang dyaryo. "Boss, Yuchengco naman. May sakit iyong nanay ko."

"Ah. Hindi ako payag bale ka ulit pag hindi ka overtime." Hindi na nya ako tinapunan ng tingin.

Bagsak ang balikat kong tumalikod sa kanya, hindi ako pwedeng mag overtime. Kailangan ko pang alagaan ang nanay, kaya uuwi nalang ako sa bahay.

Lalabas na sana ako ng may pumasok. Nalaglag pa ang panga ko ng matitigan sya ng maayos.

Nadako saakin ang kanyang paningin bago nya ako lagpasan. Dumirecho sya sa amo kong insik.

"Dad..." Tawag nya rito.

Dad? Kung ganoon ay anak sya ni Mr. Yuchengco? Kaya pala medyo hawig sila ng insik, parehong singkit.

Hindi na ako nakinig pa sa pinag usapan nila, matulin lang akong naglakad papalabas ng opisina.

Uuwi na ako, kailangan ko pang bumili ng ulam namin ni nanay ngayong gabi. Tinungo ko ang locker ko at kinuha ang aking bag.

Napabuntong hininga ako, mukhang uuwi na naman akong butas ang bulsa.

May kumalabit sa balikat ko, nilingon ko iyon. Psh. Si Cora Tan lang pala.

"Ano?" Tanong ko sa kanya, hindi ko masyadong gusto ang babaeng insik na ito. Ang sipsip kasi kay Mr. Yuchengco kung makaasta kasi parang supervisor wannabe.

"Hanap ka, Mr. Yuchengco punta ka daw office niya." Salita nya.

Alam niyo 'yung feeling na gusto mo syang sikmurahan kasi nangangamoy ang bunganga nya, amoy bagoong.

"Bakit daw?" Tanong ko tapos ay pasimple kong kinuha ang panyo sa bulsa at nilagay iyon sa ilong ko.

Nagkibit balikat ang may katabaang insik. "Hindi ko alam, punta mo nalang." Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad palayo.

Hay, salamat! Kung nagtagal pa sya ay hindi ko na makakayanan ang amoy nyang panis na bagoong.

Ano naman kaya kailangan saakin ng insik na iyon?

Pagkadating ko sa harap ng opisina niya ay agad kong pinihit ang seradura. "Boss, hanap niyo daw ako?" Salita ko ng tuluyan ng makapasok.

Nahagip ng mga mata ko ang lalaki kanina, iyong anak ni Mr. Yuchengco na hawig nya. Well, iyong mata lang naman nila ang kapareho. Pihadong mas guwapo naman ang anak ni Mr. Yuchengco kaysa sa kanya. May makinis at maputi kasi itong balat paano insik kaya makinis. Matangkad din ang lalaki at may malaking katawan.

Hindi ako kumportable kasi nakatitig saakin ang singkit na mga mata ng lalaki. Nahihiya tuloy ako kasi alam kong oily na ang mukha ko dahil sa pawis, basta kasi nasa trabaho ako ay nawawala na sa isip ko ang mag ayos.

"Diba gusto mo bale?" Salita ng insik.

"Oo, pero hindi ako mag o-overtime.'' Sagot ko.

Pasimple kong sinulyapan ulit ang anak ng insik, nakatayo ito sa gilid ng ama.

Agad ko namang binawi ang tingin sapagkat nakatitig parin sya saakin. Bakit nya ako tinititigan? May dumi ba ako sa mukha?

Kinuha ko ang panyo na nasa aking bulsa at pinunas ko iyon sa mukha. Tapos ay ibinalik ko rin naman agad iyon.

Hindi na ako titingin sa kanya, kay Mr. Yuchengco nalang ako titingin.

"Payag na ako ikaw bale kahit wala overtime." Gulat ang mukha kong napatingin sa kanya.

"Seryoso?" Usal ko, medyo nabigla kasi ako sa biglaang pagbait ng matandang insik.

Tinuro nya ang mukha. "Muka ba ako nag jo-joke?"

Kinagat ko ang dila para pigilan ang sariling wag tumawa. Gusto kong matawa ng malakas dahil sa sinabi nya, pero mas natatawa ako sa itsura nya.

Umayos ako sa pagkakatayo. "Uhm. H-hindi naman po. Kanina kasi diba ayaw nyo ko pabalehin pag hindi ako nag OT."

Nilingon nya ang anak. "Naawa kasi sayo anak ko, kaya ako payag na."

Tiningnan ko ulit ang lalaki. Nakatitig parin sya, hindi ba sya nagsasawa sa mukha ko?

"S-salamat..." Salita ko sa kanya.

Nawala na ang mata niya ng ngumiti ito. Hala, ang pogi nya pag ngumingiti. Ang ganda ng kanyang ngipin at ang puputi.

"Magkano ba bale mo?" Tanong saakin ni Mr. Yuchengco.

"Mga 6K po sana." Nilakihan ko na, kasi kung dalawang libo lang ulit ang ibabale ko ay kulang na kulang.

"Ang laki naman!" Reklamo ng insik.

Nakita kong may kinuha ang anak nya sa bulsa, kinuha pala nya ang pitaka.

Nanlaki ang mata ko ng may iniabot sya saaking pera. "6K iyan." Usal niya, ang ganda talaga ng boses nya. Napaka baritono.

"Um. I... Uh." Hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya kasi akong kuhanin iyon.

"Here. Take it." Nakangiting sabi nya.

Nahihiya ko iyong kinuha. "S-salamat..." Halos pabulong kong usal.

Agad ko iyong ibinulsa. "S-salamat, ha." Usal ko ulit.

"Walang anuman." Tugon nya. Bahagya pa akong kinilig ng ngumiti uli sya.

"O, sige. Ikaw uwi na Nansi." Putol ng insik sa tinginan namin ng anak niya.

Yumuko ako. "Salamat, boss." Tapos ay tinalikuran ko na sila.

Pero bago ako tuluyang makalabas ay humarap uli ako. "P-pwede bang malaman kung ano ang pangalan mo?" Tanong ko sa lalaki.

Binigyan nya ako ng matamis na ngiti sa labi bago nagsalita.

"Lazarus."

"Ha?"

Hindi nya inalis saakin ang kanyang mata.  "Lazarus Yuchengco."


The Ruler Has Returned (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon