•Narrative•
Should old acquaintance be forgot, and never brough to mind? 🎶
New Year Countdown. Nandito lang kami ng aming pamilya sa Plaza para manuod ng Fireworks Display.
Habang naglalakad ay nakatingala ako dahil manghang-mangha talaga ako sa ganda ng pagsabog ng iba't ibang kulay sa kalangitan.
Dahil kung saan-saan ako nakatingin, hindi ko namalayan na nahiwalay na pala ako sa mga kasama ko at may nabangga na pala ako.
"Tumitingin pa kasi sa ganda ng kalangitan, e ikaw mismo, maganda ka na naman. "
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses.
"Ay. Kaya naman pala binola ako. Ikaw pala kasi 'yan, Larrent. " nakangiti kong sabi sa bestfriend ko.
"Oy 'di ako bolero ah! Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo? "
"Hmm. A few minutes ago. "
Tumawa siya ng mahina. "Loko ka talaga, Kiyarah. "
"10...9...8..." sabay-sabay na pagbilang ng mga tao.
"7...6...5..." mas lumapit sa'kin si Larrent.
"4...3...2..." hinarap niya ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang-balikat.
"1...0. Happy New Year! " nilapit niya ako sa kanya at hinalikan...
Sa noo.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hello! First time niya akong kiniss!
OA man, pero... wala. Nagulat lang talaga ako.
"H-hoy Larrent! Bakit mo ko kiniss? 'Di ka na nahiya ang daming tao. Mapagkamalan pa tayong mag-jowa. " sabi ko habang pinupunasan ang noo ko.
"Heto naman, 'di mo ba alam na sa ibang bansa tradition 'yon na pagsapit ng alas-dose ay kailangang i-kiss mo kung sino man ang kaharap o katabi mo?"
Hinampas ko ang balikat niya. "Duh. Wala naman tayo sa ibang bansa e! Come on, nasa Pilipinas tayo, Larrent! "
"Ok, ok! " tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Isipin mo na lang 'Thank You' kiss ko 'yon dahil ikaw ang isa sa mga madalas kong nakasama sa buong taon last year. Saka... "
"Saka? "
"Saka pagbibigay respeto 'yon sa Airport. Hahaha! " sabi niya at saka tumawa ng tumawa. Pinagpapalo ko nga. Masyadong nasiyahan, e.
"Pasalamat ka nga. Buti hindi 'yon sa afsfafata. "
Ha? Ano daw? Hindi ko naintindihan 'yong huling sinabi niya kasi maingay ang paligid at pabulong niya lang itong sinabi.
"Ano? "
"Sabi ko wala. Nandiyan na pala si Nanay, uuwi na kami. Ba-bye! "
Hanggang sa makauwi kami ng bahay, pilit ko pa ring iniisip 'yong mga ginawa at sinabi ni Larrent.
Ano kaya 'yon at... ano ang ibig sabihin no'n?
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...