DENDEN'S POV:
EPILOGUE
Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan kong natutulog si Alyssa. Nagpunta muna ako ng Library kung saan kinuha ko ang nakatagong manipis na journal ni Lola Prudencia.
Nang minsang may hinanap akong reference book ay kasamang nalaglag ang journal. Tinago ko siya sa drawer dahil hindi ko pa ito tapos basahin.
Nakapaloob doon kung paano sila nagtagpo ni Lola Merlyssa. Damang-dama ko ang pagmamahalan nila.
Maiiksi lamang ang mga entry ni Lola hanggang mauwi ako sa pinakahuling pahina.Naluha ako pagkabasa ng passage na 'yon. Sinara ko ang journal at binalik sa drawer. Nilock ko na rin uli.
Pumikit ako at bumulong.
"Naganap na Lola, naganap na. Sisiguraduhin kong sa araw na ito ay mapapasakamay ni Ly ang iyong pamana."Lumabas ako ng library. Nakita kong nasa salas na si Alyssa at nasa tapat ng fireplace.
"Hon, sa'n ka ba galing?" tanong niya. Umupo ako sa tabi niya. Indian seat kami pareho.
"Masyadong malamig kaya nagpa-apoy ako. Gutom ka na ba?"
"No…. May ibibigay lang ako. Pinaayos ko ito kanina kaya ako umalis."Nilabas ko ang anklet na may name na Alyssa. Ito rin ang anklet ni Lola na may Lyss, pinadagdagan ko lang ng A sa unahan at hulihan.
"Den… alam ko ang alahas na ito! Nasa panaginip ko ito."
Kinuha niya ang anklet at tiningnan ang likod ng mga letra.
"Den.. Di ko maexplain pero sa panaginip ko, nilagyan ko nga ng tanda para malaman kong ito nga 'yon. Pero paano?"
"Huwag na nating isipin 'yon, mahalaga…." sinuot ko sa kanya ang anklet. "Mahalaga, iyo na ito ngayon. Kahit saan man tayo anurin ng panahon, kasama mo ako. Sa bawat paglalakbay, saan man tayo patungo at dalhin ng ating mga paa, naka-kapit ako sa 'yo. Gaya ng pagmamahal ni Lola Prudencia."
"At.. Gaya ng pagmamahal ni Lola Merlyssa."
"Maaaring isipin na tayo ang nagtuloy ng kanilang pag-iibigan pero we'll make sure na gagawa tayo ng sarili nating kasaysayan."
Inaya ko siyang tumayo at medyo lumapit kami sa fireplace. "Let's dance my beloved," aya ko.
"Beloved talaga ha?"
"O naman."
"Sasayaw tayo pero ayokong kumanta ha."
"Eh di wag na lang tayong kumanta."Inikot ko ang kamay ko sa beywang niya at kamay niya naman sa leeg ko. Marahan lang kaming umiimbay sa katahimikan. Nakatitig sa bawat isa.
"Den…."
"hmmm?"
"Parang kailan lang… ASA LANG SA 'YO DATI."
"EH NGAYON?"
"Punung-puno ako ng pag-asa, sa piling mo…. Kailanpaman…"Ngumiti ako. Niyakap ko siya at inikot. Ako na ang nakaharap sa fireplace. Malamig ang panahon pero bigla, tila may mainit na hangin ang pumalibot sa amin.
"Have you felt it?" Tanong ko.
"Yes Hon."
"Masaya ang mga matatatanda."
"Palagay ko nga, hihihhi!"Tinuloy ko lang ang pag-imbay sa katawan ni Alyssa. Ang musikang maririnig mo lang ay tanging pagtibok ng aming mga puso.
Ngayon…. At sa darating pang panahon, katulad ng sumasayaw na apoy sa fireplace....
May mga puso kaming magbabaga rin sa pagmamahal at patuloy na sasayaw at mag-sasanib ang mga aming puso at kaluluwa…. Hanggang sa kabilang buhay.
----- w-a--k-a-s----
Special chapter ... soon
Shan .
January 29, 2018
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018