Gusto mong makipaglaro?
H'wag kay Tadhana.
Sa manikang laruan ka nalang makipaglaro,
H'wag lang kay Tadhana.
Sa manika'y malilibang ka pa, matutuwa at masisiyahan.
Sa Tadhana ay sa una'y malilibang ka, hintayin mo lang at luha mo'y bubuhos
hindi dahil sa tuwa ng paglalaro kundi sa sakit at pighati na hindi mo inaasahang bubuhos.Hindi mo matatantiya ang tadhana,
Akala mo nananalo ka na,
Ayun pala'y may sopresang nag-aabang sa'yo.Sopresang hindi nakatutuwa't nakasasaya.
Sopresang maiiyak ka dahil hindi mo inaasahan ang sakit na sinampal sa'yo ng Tadhana,
Na dapat ay sampalin ka lang ng pabiro.Kaya, sige, mag-abang ka lang diyan.
Maglaro ka lang ng manika
At ipaubaya mo kay Tadhana lahat.
Pagkat ayaw niya ng ginagalit at pinipilit.
Dahil kung hindi, manika mo'y masisira na halos hindi mo na ito makikilala.
YOU ARE READING
Sugar, Spice and Everything Slides
PoesíaMaybe sliding is a happier term for falling from our greatest downfall; Love. Disclaimer: All poems and proses in this book is written by me. Any resemblance to other's work is purely coincedental. I did this out of frustration, lol.