Kabanata 5

77 5 1
                                    

Un amor desde arriba.. (A love from above)

Ano daw? Nandito ako ngayon sa silid aklatan ng mansyon. Dinala ako dito ni nanay Linda upang mag basa ng libro at matutunan ang mga bagay na kailangan kong matutunan at isa na dito ay ang pagsalita ng spanish.

"Oh my goodness! I'm super stressed na. Pwede bang bumalik na tayo sa itaas?" Reklamo ko. Siya nga pala, ang silid aklatan namin ay nasa underground. Ang cool nga e dahil hindi ko alam na may ganto pala dito.

Wala naman talaga akong hilig sa mga libro pero wala akong choice dahil si nanay Linda ang masusunod ngayon. Baka kasi iwan niya ako't pabayaan sa journey kong ito.

"Mga pamagat lang naman yang binabasa mo eh. Hindi mo naman binabasa ang napapaloob." Sagot ni nanay Linda. Eh paano ko naman mabasa ang mga ito eh hindi ko nga maintindihan.

Kinuha ko ang librong nakakuha ng pansin ko. "Un amor desde arriba." Arriba? Arriba, arriba señorita? Kanta yun diba? Haha! K bye.

"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang libro niya ang libro sa kamay ko. "Ang librong ito ay isinulat ng isang babae na nagmahal ng isang lalaki sa unang pagkakataon. At sa unang pagkakataon, naranasan niyang masaktan at tuloyan nang gumuho ang kaniyang mundo."

Ahh, so tragic din pala ang storyang ito? Sus! Tinignan ko siya sa mga mata at ngumiti siya. Kinuha niya ang kamay ko at inilapag niya ang libro sa mga palad ko.

"Basahin mo ito. Ito ang magiging gabay mo." Tinaasan ko siya ng kilay at bumitaw siya sa akin. "Ang babaeng nagsulat niyan Ofelia, ay ang mismong babaeng nakahawak niyan ngayon."

O....M....G!!!! Ako ang may sulat nito? Noon?! Binuklat ko ang unang pahina ng aklat at nakasulat dito ang taon kung saan nag simula ang lahat.

"1875. Eh hindi ba't nasa 1875 pa tayo ngayon? Eh bakit nandirito pa ito? Diba bumalik ako sa panahon? Bakit nasulat ko na ito?" Umupo siya at hinipan niya ang isang aklat na nasa lamesa.

"Tadhana." Sabi niya habang inilipat-lipat ang bawat pahina ng isang libro. "Tadhana? Ano?" Sinara niya ang aklat at binaling ang tingin sa akin.

"Pumunta ka na sa itaas. Basahin mo yan upang maliwanagan ka." Sabi niya. Na we-weirdohan ako sa kaniya.  Tumalikod na ako at tsaka pumunta na sa silid ko.

Hahay! Wala akong natutunan sa paguusap namin ni nanay Linda ngayon. Feeling ko tuloy ang bobo ko. Nanghihinayang nga ako dahil hindi ako nakinig kay prof. Clarion. Hays!

Binuksan ko ang unang paniha.

15 de Junio de 1875

Él está de vuelta. De vuelta otra vez para romper mi corazón. (He is back. Back again to break my heart.)

June 15, 1875? Hindi ba ito ang araw kung saan napadpad ako sa panahong ito? Ang panahon kung kailan ako muntikan nang magahasa ngunit hindi natuloy iyun dahil iniligtas ako ng isang binata at ang binatang iyon ay si Miguel.

I flipped another page at bumasa ulit. Ngunit sa pagkakataong ito, naintindihan ko ang bawat salitang naka sulat sa aklat. Ang creepy! Tumayo yung balahibo ko sa batok. Gosh!

16 de Junio de 1875

Lo vi desde lejos. Estoy tratando de distanciarme de él. Han pasado años desde que nos vimos, pero la sensación todavía está allí. (I saw him from afar.I am trying to distance myself from him.It's been years since we saw each other, but the feeling is still there.)

Sumpa KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon