Pahina 6

10.4K 170 0
                                    

Pahina 6

"Oh my, sisteret. Goodluck sayo!"

"Mangaasar pa talaga eh!"

"Hala? Tama naman ako ah? Look Maiko, Buti kung sa ibang lalake eh. Pero you did that with the one and only Elvio Javier Cojuangco? Goodluck talaga."

Inirapan ko nalang si Bella at ng madapo naman kay Ever ang tingin ko ay naabutan kong nakangisi na sya. Bwiset! Kung tutuusin itong babaeng to ang may pakana ng lahat eh. Wala man lang talaga akong maasahan sakanilang dalawa!

I told them everything and i mean everything. Detail by detail. I expect them na magaadvice man lang ng kung anong dapat kong gawin pero pang aasar lang ang nakuha ko.

I want to say na accident lang yung nangyari sa amin ni Javier pero sino ba namang hudas ang maniniwala sa ganun? There's no such thing as an accidental sex! Sh*t! I have every right na itigil yun that night pero ginawa ko ba? Syempre hindi! Kasi gusto ko rin. I loved the pleasure but i hate the aftermath.

Inaya ko nalang na umuwi ang mga kaibigan ko. Mukhang may mga bisita nanaman sa bahay nila Bella at naghahanap nanaman sya ng tatambayan or better yet matutulugan.

"Halika na! Doon nalang samin."

"Wag na! Kila Ever nalang ako. Si tita narin mismo nakiusap sakin na samahan ko muna ang baby girl nya atleast a week. Ayos nga eh! Alam mo naman diba?"

Napangisi nalang ako habang humahalakhak sya. I don't know how she does it. Yung mag pretend na tumatawa o masaya kahit na ang dami dami nyang problema at iniintindi.

Bella does have a strong personality. Sa kabila ng mga problema nya, matibay pa rin sya at di bumibitaw. That's one of the things i really admire about her.

Hindi ko kasabay si Coreen kaya magisa ako ngayong naghihintay kay Mang Jojo, Ang driver namin. Hapon na at uwing uwi na 'ko dahil ang bigat na ng katawan ko. Ewan ko ba? Kulang pa rin yata ako sa pahinga.

"What the hell? Bigla ka nalang nawala! I was damn worried about you!"

Pilit kong inaalis ang mahigpit na kapit ni Javier sa braso ko. Bigla nalang syang sumusulpot kung saan saan. Masakit na ang pagkakahagit nya sa akin at mukhang di nya talaga mapigilan dahil halatang halata na galit sya.

Hindi ko na mapigilang magalit dahil ayaw nya akong bitawan. Kahit na anong saway ko ay parang wala syang naririnig. This is new. Ngayon ko lang nakita na ganito si Javier.

"Sh*t!"

Lumayo ako sakanya ng sa wakas ay binitawan nya ako. Di ko napigilang maluha dahil pakiramdam ko ay hihiwalay na yung braso ko sa katawan ko. Kailan pa naging bayolente si Javier? Bakit? Anong nangyayari sakanya?

"Maiko.. I didn't mean to- I'm sorry."

"What's wrong with you? Kung gusto mo 'kong makausap, yung maayos! Are you crazy? Naka drugs ka ba?"

"Nag.. Nagaalala lang ako-"

"Wow! Ang sweet mo naman pala magalala! May halong pananakit! Grabe, kinikilig ako!"

Napapikit si Javier bago umiwas ng tingin sa akin. I know he felt guilty at dapat lang. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote nya at ginawa nya yun sakin.

Minsan mo na 'kong sinaktan Javier. And don't ever think na hahayaan kong ulitin mo yun.

"Bakit bigla kang umalis? Bakit di ka man lang nagpaalam? Bakit mo ko iniiwasan? Bakit ayaw mong makipagusap?"

Kunot noo ko syang tinitigan. Dire-diretcho ang pagtatanong nya sakin. Pilit ko namang pinakalma ang sarili ko. Kung gusto kong mawala sya sa paligid ko ay mabuting sagutin ko nalang lahat ng tanong nya para matapos na.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon