Chapter 4

13 0 0
                                    

Ohh. Ang gwapo niya.

Sana hindi niya ko nahahalata na sa kanya lang ako nakatingin.

Hayyyy.. Nakakakilig ang boses niya.

 

"Oii. May chicks kayo dito!"

May isang lalaki na chinito at kasingtangkad ni Navi na dumating.

Nakajersey shorts siya at walang pangtaas.

I'm absolutely, positively sure that this guy is what you call..

A tambay.

 

"Rics! Tamang tama. Ito pala si maganda dun sa bagong bahay. Jil si Rics, Rics si Jil." -Navi

 

"Yung girlfriend mo dol?"-Rics

 

Ha? Girlfriend?!

 

"Girlfriend agad! Di ba pwedeng friend muna?"-Ako

 

"Tama! Tama! Tumahimik ka jan Rics at umupo ka dito sa tabi ko."-Navi

 

Hinila niya sa Rics palapit sa kanya at pinaupo sa tabi niya.

 

"Eh sabi mo kagabi girlfriend mo yung tumawag."-Rics

 

"Wula akong sinabing ganun!!"-Navi

 

"Meron!! O di kaya magiging girlfriend?"-Rics

 

"Wula akong sinabing ganun nu! Lasing ka kasi kagabi, kaya hindi mo na matandaan."-Navi

 

Bakit ba silang dalawa nagtatalo?

At panu ako naging girlfriend ni Navi?

 

"Dol, mauna na ako ha? May gagawin pa ko sa bahay eh. Rics salamat pala sa pagpapahiram mo ng pedicab kanina at Jil, mauna na ko. Bye." -Freed

 

Ahayyy.

Umalis siya ciguro kasi na out of place siya kena Navi at Rics.

Sila kasi eh.

 

"Dol.. Ang ganda niya, hingi ako number niya."-Rics

 

Nagbubulungan ang dalawa pero akala nila siguro hindi ko maririnig.

 

"Hindi pwede."-Navi

 

"Bakit dol? Sigena."-Rics

 

"Hindi nga pwede."-Navi

 

Uuwi na lang ako. Wula na din naman si Freed dito eh.

 

"Uuwi na ko Navi."-Ako

 

"Bakit naman! Maya na!"-Navi

 

"Magsasaing pa ko eh!!" Sigaw ko.

 

"Mabilis lang naman yan."-Navi

 

May isang lalake na kasing edad ko siguro na kumakaway samin sa malayo.

May sinisigaw siya pero hindi ko maintidihan.

 

"Oii, Rics. Si Dwin oh. Tinatawag ka." Turo ni Navi kay Rics.

 

"Ayyy, oo nga pala! Nakalimutan ko. Pupunta pala kami ng bayan. Sige mauna na ko sa inyo. Bye ganda! ^_^" Paalam niya samin habang nakangiti.

 

"Ako rin Navi, uuwi na ko. Mauna na ko sayo."-Ako

 

"Teka. Gusto mo ba ng stick-o? Bilhan kita?"-Navi

 

"Hmmmm.. Bibilhan mo ko?" -Ako

 

Tumango siya at inakbayan ako palapit sa screen ng tindahan.

 

"Lola, may pandan flavor kayo na stick-o?"-Ako

 

"Ay ayoko niyan!! Gusto ko yung may black!!" Sigaw niya.

 

"Gusto mo yung sunog?"-Ako

 

"Yung may black tas yung may puti! Yun gusto ko!!"-Siya

 

Umupo ako ulit sa upuan at hinintay yung stick-o ko.

Parang bata naman to si Navi.

Yung black and white flavored daw na stick-o yung gusto niya.

 

 

"Oh ito. Apat sayo at anim sakin." Inaabot nya sakin ang isang plastic na may lamang apat na stick-o.

 

"Ay ang duya mo naman! Sampu yung binili mo tas pwede mo namang ihati satin ng lima lima!!" Sigaw ko.

 

"Eh gusto ko marami yung saakin eh!!" Sabi niya habang kumakain ng stick-o.

 

"Tas may pandan flavored naman!! Pero yung black and white flavor lang yung binili!!" Sigaw ko ulit.

 

"Sigena! Uwi kana!!"-Siya

 

Tinutulak niya pa ako paalis ng tindahan.

Nakakaasar naman!!

Kanina pinipigilan niya ako umuwi!!

Tapos ngayon tinutulak niya pa ako!!

 

KAINIS KA TALAGA NAVI!!!!!

Stick-OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon