Chapter 5

5 0 0
                                    

Navi's POV

 

"Freed, anong sa tingin mo kay Jil? Okay ba siya?"-Ako

"Oo dol.. Maganda siya tas mukhang mabait, at yun ang mga tipo ko. Yung medyo chubby. HAHA" Patawa ni Freed.

"Gusto ka nun Freed. Bakit di mo ligawan?"-Ako

"Ngeee.. Pwede, pero ayaw ko."-Freed.

"Bakit naman? Sabi mo okay naman siya."-Ako

"Ayaw ko.. Muna.. Hehe." -Freed.

 

At eto na naman kami.

Tambay naman sa labas ng bahay namin.

Wula kasing magawa eh.

Kasama ko si Freed, Leo, Rics at ang kapatid ni Freed na si Raj.

 

Tinutulay ko din si Jil kay Freed kasi kahit ayaw man ni Jil aminin.

Gustong gusto niya talaga tong kaibigan ko.

 

"Jil pala pangalan nung dalaga dun sa bagong bahay?" -Raj

 

Tumango ako.

 

"Ilang taon na ba yun dol?"-Leo

 

"Hmmm.. Di ko natanong, teka. Tanungin ko siya."-Ako

 

-GoodEvening..

SENT.

 

Yan muna. Magtataka kasi yun kung dederetsuhin ko siyang tatanungin kong ilang taon na siya.

 

"Sa San Agustin University siya nag aaral na di ba? Yung uniform niya kasi."-Raj

 

Tumango ako.

 

-Same to you! Anong ginagawa mo ngayon? Pwedeng magtanong?

 

Text ni Jil. Tamang tama may tatanungin din ako.

 

 

"May boyfriend na ba yun?" Tanong ulit ni Raj.

 

"Bakit interesado kaba sa kanya?"-Ako

 

Umiling siya bigla na parang nagulat sa tanong ko.

 

"Hindi ah. Na curious lang kaya ako. Maganda kasi siya kaya di mo maalis na magtaka talaga kung may boyfriend na nga siya."-Raj

 

"Tama ka Raj. Pero teka dol, yung totoo. May boyfriend na ba siya?"-Rics

 

"At ikaw. Alam kong interesado ka. At hindi ko alam kung meron nga o wula kasi hindi naman ako nagtatanong."-Navi

 

-Nandito sa tapat ng bahay. Tambay lang. Ano yung tanong mo? May itatanong din ako.

SENT.

 

Dol yung tawag nila sakin kasi Idol daw.

Nakalimutan ko na kung bakit Idol..

Ang tagal na kasi na ganyan yung tawag nila sakin eh.

 

"Kelan pala sembreak niyo dol?" -Leo

 

"Pagkatapos ng exam namin bukas, sa lunes wala ng pasok."-Ako

 

"Tambay buong sembreak!!"Sigaw ni Raj.

 

"Ha! Hano pa!! Ala tayo magagawa! Studyante tayo eh!! Except sa isang mama dito." Patawa ko. Si Rics ang tinutukoy ko.

 

-Ilang taon kana?

 

Text ni Jil.

Coincidence naman..

Yan din sana itatanong ko.

 

"Oi, tinanong niya ko kung ilang taon na ko."-Ako

 

"Whoa! coincidence ha!"-Freed.

 

 

-Tatanungin din kita sana niyan. Naunahan mo lang ako. 21. Ikaw?"

SENT.

 

"Ilang taon ang sinabi mo?"-Rics

 

"Ilang taon ba dapat ang sasabihin ko?"-Ako

 

"18 or 19 para hindi siya mailang sayo. Baka kuya-hin ka niyan, yung masama baka manong!! Hahaha." Nakitawa din yung iba sa sinabi ni Rics.

 

"Eh bobo ko pala eh. 21 pa lang ako. Ikaw yung manong dito."-Ako

 

-17 na..

 

Reply niya sakin.

17 pala siya. Kaka17 niya palang ba o mag 18 na siya ngayon?

Tanungin ko kaya.

 

-Kaka17 mo palang?

SENT.

 

"17 na daw siya."-Ako

 

"Ay."-Raj

"Ang bata pa."-Rics

"Mas matanda pa siya sakin?"-Freed

"Kasing edad lang kami."-Leo

 

-Oo, nung july lang ako nag 17.

 

Reply niya ulit.

Limang taon pala agwat namin.

mag22 na ko ngayong taon eh.

 

"Pano yan Freed, mas matanda pala siya sayo. Ako na lang ang liligaw sa kanya."-Rics

 

"Wula akong tiwala sayo Rics."-Ako

 

"Oh teka? Diba siya yun?" May tinuturo si Leo sa tindahan.

Di ko masyado makita pero may babae na bumibili.

Hmmmm..

Hehe, nakapajama tas nakasando.

 

 

"Freed. Lika puntahan natin."-Ako

"Ayoko nga."-Freed

"Lika na Freed."-Ako

"Ayoko."-Freed

 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad papunta sa tindahan.

Siya nga yung tinuro ni Leo kanina.

 

"Oii.. Kaya pala tinanong mo ko kung ano ginagawa ko? Hehe."-Ako

 

"Ha? Ay.. Ikaw pala Navi."-Siya

Stick-OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon