Alamat ng Rosas

3.6K 85 7
                                    


Noong unang panahon sa isang lugar sa ating daigdig ay may isang babaeng namumukod-tangi-si Rosa. Siya ang

itinuring na pinakamagandang babaeng nilikha ni Bathala.

Maraming kaharian ang nagkaroon ng sigalot at digmaan, nagbuwis ng buhay dahil sa kanya. Pinag-agawan siya, higit pa sa kayamanan na gustong angkinin ng kahit na sinong hari.

At sa dami ng kanyang manliligaw, si Haring Hulio lang ang nagpatibok sa kanyang puso. Hindi naglaon sila ay ikinasal . Ang buong kaharian ni Haring Hulio ay nagdiwang dahil ang

napangasawa nito ay ang tanyag na pinakamagandang babae.

Tuwing umaga, sa paggising ni Rosa ay laging may mga bulaklak sa plorera na inaayos ng hari na iniaalay nito sa kanya.

"Mahal kita, Rosa...hanggang sa kabilang-buhay." Iyon ang laging sinasambit ni Haring Hulio sa kanya tuwing mag-aalay ng mga bulaklak.

"Mahal din kita, Hulio...Mahal na mahal..."

Bago magtakip-silim ay lagi silang nasa tinatawag nilang "lihim na hardin" ng palasyo. Silang dalawa lamang at ilang piling utusan ang maaaring pumasok doon.

Mahilig sa mga bulaklak ang hari kaya siya ang nag-aalaga sa mga halaman sa hardin. Dito nanggagaling ang mga bulaklak na iniaalay niya kay Rosa.

Pero laging may banta sa kaharian ni Haring Hulio mula sa iba't ibang kaharian-na kung hindi niyon ibibigay sa mga ito si Rosa ay dadanak ang dugo at sasalakayin ang buong kaharian niya.

Isang araw, habang pinagmamasdan ni Rosa ang mga bulaklak at ang mga nagliliparang paruparo sa lihim na hardin ay nagulat siya sa pagdating ng isang magkukulam.

"R-R-ossaaa," wika ng basag na boses. Tinig iyon ng isang mangkukulam na pautal-utal kung magsalita. "K-kahit ilang b-bses akong m-magtanong sa m-mahiwagang walis kong ito, l-laging sinasabi nito na i-ikaw ang

p-pinakamagandang babae s-sa mundo. A-akin na ang iyong m-mukha kapalit ng ano mang k-kahilingan mo. M-magsabi ka ng k-kahit ano at ibibigay k-ko sa iyo..."

Pero bago nakasagot si Rosa ay dumating si Haring Hulio. "Mangkukulam! Ano'ng ginagawa mo rito?! Umalis ka! Oras na gambalain mo pa uli kami rito'y papatayin kita!" sigaw ng hari.

Natakot ang mangkukulam at ito ay hangos na umalis.

Dahil sa pangyayaring iyon, nagpasya si Haring Hulio na itago sa pinakamataas na bahagi ng tore ng palasyo si Rosa. Hindi pa siya nakontento, inatasan niya ang kanyang mga kawal at mga utusan na palibutan ng

matatalim na tinik ang toreng kinaroroonan ni Rosa upang walang makaakyat doon at maprotektahan ito.

Samantala, sa isang kaharian ay naroon ang haring labis ang pagkainggit kay Haring Hulio-si Haring Alvaro. Para sa kanya, si Rosa ay mas nararapat sa palsyo niya at siya lamang ang maaaring umangkin dito. Kilalang matapang

at hindi tumatanggap ng kabiguan si Haring Alvaro kaya nagpasya siyang utusan ang kanyang mga kawal upang lusubin ang palasyo ni Haring Hulio at dukutin si Rosa.

Nang makarating kay Haring Hulio ang plano ni Haring Alvaro ay dagli siyang lumusob sa kaharian nito kasama ang mga kawal. Ngunit pagdating sa kagubatan, laking gulat niya at ng kanyang mga kawal nang hindi sila makalabas doon.

Naisip ni Haring Hulio na isa lamang ang may kagagawan niyon-ang mangkukulam.

Sa kanyang yungib, tuwang-tuwa ang mangkukulam dahil nakaganti siya sa hari. "Mangkukulam! Saan ka man naroroon, alam kong naririnig mo ako! Alam ko rin na kagagawan mo ito! Iniligaw mo kami sa kagubatang ito! Ibibigay ko ang gusto mo, palabasin

Alamat ng Rosas COMPLETED (Published by Lampara Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon