SY: Chapter 42 - Very Vocal

41 4 3
                                    

Ashley's POV

"Gawin mo kong rebound." Seryoso nyang saad habang malapit pa rin ang mukha nya sa mukha ko.

Anong sinabi nya??

Gawin ko kamo syang rebound??

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya agad ko syang natulak para makawala sa pagkakahawak nya at saka ako tumikhim at pumeke ng tawa. "Hahaha, ano ka ba Ken. Wag ka ngang magbiro anong rebound??"

"Seryoso ako." Napatigil ako sa pagtawa dahil nga sa seryoso nyang boses. I bit my lower lip. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit nya to ginagawa sakin.

Hinarap ko sya. "Alam mo, Ken. Hindi ko kailangan ng awa mo." Tapang-tangapangan kong sabi. Bumali ang leeg nya pero seryoso parin ang mukha nya. Nakakatakot na sya!

"At hindi ko rin naman kailangan maawa sayo para lang offeran ka na gawin mo kong rebound."

"Then why are you doing this??"

"Because I love you." Kumurap-kurap ako dahil sa sinabi nya. Unti-unti kong kinunot ang noo ko. Gusto kong magmura kaya lang ay wala akong lakas kaya iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

Ilang minuto kaming binalutan ng tahimik na kapaligiran bago sya muling nagsalita. "Khage is a toxic for you. Ilang buwan na Ashley. Ilang buwan na.." napapikit ako ng mariin ng nabasag ang boses nya.

"Ilang buwan mo ng tinitiis yang sakit na nararamdaman mo. So please. Let me save you from pain." May pagmamakaawa nyang sambit. Tumingala ako at saka sumandal muli sa puno. Dahan-dahan ko syang inilingan.

"I don't need a help from anyone else. Ken naririnig mo ba yang sinasabi mo?? Gusto mong gamitin kita para lang kalimutan ko si Khage?? Do you hear yourself??"

"Oo. Naririnig ko ang sarili ko. Ashley matagal ko ng pinag-isipan ito. At tanggap ko na sya talaga ang mahal mo." Nakakunot ulit akong umiling sa kanya.

"This is not funny." Tumayo na ako pero agad din akong napaupo ng hilahin nya ang kamay ko. Niyakap nya ako ng mahigpit. Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Ilang buwan na. Ilang buwan na akong nasasaktan. At nasasaktan parin. Hindi ako makapaniwalang aabot ako sa puntong gagamit ako ng ibang tao para lang makalimutan ang taong mahal ko na hindi naman ako minahal.

Janna's POV

"Uy Janna!" Halos mapatalon ako ng kalabitin ako ni Denerie "Rie!" Sigaw ko. Natawa sya sa naging reaction ko. "Sorry! Haha."

"Ano ba kasi yun??" Tanong ko ng tuluyan na nyang hinarap ang upuan sa direction ko. Tinukod nya ang mga braso sa lamesa ko. "Naalala mo pa ba si Paul??" Napataas ang kilay ko dahil sa tanong nya.

Oh come on Rie sino bang makakalimot sa lalaking yun??

"O ano na namang meron sa kanya??" Inis kong tanong at saka pinasok ang mga textbook ko sa bag. "Hindi naman halatang galit ka talaga sa kanya ano??" Aniya ng makita ang bag kong gulo-gulo habang pinapasok ko ang dalawa kong textbook.

"Tss." Inayos ko ang bag ko at pinasok narin ng maayos ang textbook ko sa loob. "So what about him??" I repeated my question. Binigyan ko sya ng tamad na mukha.

"Malapit na ang Mr and Ms. Sailers."

"Oh tapos??" Walang kainteres-teres kong tanong. "Janna.."

"Tapusin mo na yang sinasabi mo. Ang dami ko pa kayang gagawin."

"So ayun na nga. Malapit na ang Mr. And Ms. Sailers, Paul and Kristel is the representative of Model Department. At.. balak rin sana namin na gawin kang representative ng ABM Department."

Still You #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon