Question: What happened next?
“Who wants chocolate?” I announced with a smile while they frowned. I laughed. Sakto kasi – sabay na sabay parang pinag-usapan na kailangan synchronized sila sa pagsimangot.
“What’s funny?” Fabian asked, confused.
“Oo nga ‘Ma, ang creepy mo.” Sang-ayon naman ni El sabay belat sakin habang nakaupo ito sa kandungan ni Fabian na naka-upo naman sa sofa.
I smiled again widely. “What’s wrong at laughing ba? Ha? Tsaka anong problema niyo sa chocolate?”
“I hate chocolate.” El said.
“Chocolate is not my style.” Fabian said too. Kaya magkasabay na naman sila.
Napayuko ako sa kakatawa sa kanilang dalawa. Are they minds connected? What the hell? Pang-apat na silang magkasabay magsalita ngayon ha. Infairness, naiirita na sila sakin. Hahaha.
“Really? Paw, what’s wrong with you?” Fabian asked.
I waved my hands. “Nothing,” Hindi pa rin mawala ngiti ko sa kanila. Napatingin ako kay El. “I get it, no chocolates for today.”
“No chocolates forever ‘ Ma.” El said, well, it’s like he’s correcting me. He really hates chocolates huh? Paano na kung manliligaw siya? Kawawa naman liligawan niya, hindi makakatanggap ng tsokolate.
“K, fine.” I rolled my eyes mockingly. I was standing in front of them kasi – merienda time na, wala pa kaming kinakain. “I’ll bake some pancakes.” I added as I walked towards the kitchen.
No choice eh. Kahit gustong-gusto ko ng chocolate – hindi pwede. Talo ako eh, majority wins. I sighed. Nag-kecrave pa naman ako. Gawin ko na lang kayang chocolate flavor yung pancakes? O kaya lagyan ko ng chocolate syrup? Hindi rin pwede baka mapalayas ako ng wala sa oras.