Chapter 24

2.5K 27 3
                                    

Chapter 24

Ara's POV

Nandito ako ngayon sa condo unit ko sa Fort. Katas ng mga pag hihirap ko sa US. Oo tama kayo ng nabasa, sa America. Tinuloy ko ang pag aaral sa London nakakuha ako ng scholarship sa Southgate College and after a year naka pag tapos ako ng Level 4 diploma in Coaching & Sports Development. At ng maka graduate ako nakatanggap ako agad ng offer mula sa Penn State University sa US para mag turo. 

(Flashback)

"Mommy" tawag ko sakanya at sabay inabot ang letter mula sa Penn state University na nag o-offer sa akin ng trabaho bilang instructor sa Beaver campus

"Wow this is great!" lingon niya sakin pag katapos basahin ang sulat. May masayang ngiti mula sa labi niya na nag rereflect din sa mga mata niya. Para bang yung mga magulang na nakabasa ng letter na pumasa sa bar exam ang mga anak nila ganun ang saya ni Mommy. "Ang galing naman talaga ng anak ko. This is grand Ara!" Dagdag pa nito.

"Yeah I know but... Accepting that means only one thing." Yung mga ngiti ni Mommy ay napalitan ng medyo seryosong muka. Para bang ngayon ay naiisip niya na din na maiiwan ko siya kapag tinangap ko ang trabaho na yun. "I don't want to leave you here alone. Ma kaya nga ako pumunta dito sa London para makasama ka diba?"

"I know I'm not the only reason why you move here Ara." Nung pumunta ako dito na kwento ko din kay mommy ang nangyari sakin sa Pilipinas. May lambing sa tono ng pananalita ni Mommy. Nilapitan niya din ako para yakapin kahit anong edad ko ay forever baby ako ni Mama.

"I don't know what to do ma, Ang ganda ng opportunity ko dun pero hindi ko rin naman kayang iwan ka ulit mag isa dito."

"Hindi lahat ng tao anak nabibigyan ng opportunity na ganyan. This is your dream diba? Wala ka na dapat pag isipan pa or pag pilian. Hindi naman ako mawawala" Mas hinigpitan niya pa ang pag yakap sakin habang hinahagod din ang likod ko. Her own way of making her presence felt, na andito siya na hindi niya ako iiwan. "Don't hold yourself back Anak. I can always visit you pag maluwag ang schedule ko or vice versa. Anak live your life, do everything / anything you want, reach your dreams you're not getting any younger. Kung nung nasa pilipinas ka nga ay nakaya mo na malayo ako ngayon pa kaya? Just go. Try it kung hindi mo magustuhan you can always come back here."

At some point na realize ko na tama si mommy pangarap ko to eh. Ito yung gusto ko. Kahit may konting guilt pa din dahil iiwan ko siya ay napapawi naman ito ng assurance ng mga salita at yakap ni mommy. Hindi nga namang pwedeng andito na lang ako forever kailangan kong gumalaw at ipag patuloy ang buhay.

"I will do everything, any way possible para ma feel natin na hindi tayo mag kalayo Ma, mag skype tayo facetime, anything para mag kausap tayo everyday. I love you Ma. Gagawin ko to for you, para sa family natin I will work hard to give you a royal-like life kayo ni Daddy."

"Do it for yourself anak." Sinunod ko si Mommy at hindi naman ako nabigo talagang naging maganda ang career ko dito. Nabigyan din ako ng pag kakataon na mag hawakan at mag coach sa Penn's womens volleyball team kung saan ilang championship din ang nai-uwi namin. Talaga nga namang sinwerte ako sa field na ito kaya malaki ang pasasalamat ko sa Volleyball. After a year ay Nakapag ipon ako ng pera na enough para umuwi na sa mommy sa pilipinas at ako na ang mag support sa family. 

Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon