Chapter Z

635 9 5
                                    

 Question: Paano naging kabet si Paw?

Syempre simula muna natin ang tangna kwento ng buhay ko nang,

Isa pa akong kagalang-galang na scholar,

  

Palangiti,

 

Di makabasag pinggan,

                      

Nung mga panahon na. . .

 

 

Alam kong mali na kamuhian yung nag-iisa kong kapatid – kuya ko pa pero can you blame me? He killed his own sons – my deceased nephews. Those little scared babies. Paano niya nagawa yun? Is he out of his mind? Gusto ko siyang patayin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya – na kanya namang pagtingin sakin. He looked different now – hindi na yung Kuya Don na inosenteng ngumingiti sakin at nagbibigay ng advice. Does he really look different now? O baka I looked at him differently now – after what he had done.

He’s a criminal.

My brother is a criminal.

“Dawn,” he said bluntly and stared at me expressionless. Napahakbang ako ng isa paatras – Oo, galit ako sa kanya pero hindi niya ako kahit kailan titignan ng ganyan. But that was before – this is now.

“Don,” I spit his name with hatred and disgust. Ayoko nang magkaroon ng Kuya – lalo na kung isang criminal.

He smirked. “You believe her, don’t you?”

“Bakit hindi?”

Marahan siyang umiling. “Nakakadis-appoint ka, Dawn.”

TANGNA! Ano daw?

Halos manginig na ang buong katawan ko sa sobrang kagustuhan siyang suntukin. Gusto ko siyang bugbugin – mamatay!

“Grabe, ibang klase.” Nang-gigil kong sambit. “Pinatay mo yung mga anak mo tapos sakin ka madidis-appoint? Gago! Baliw ka nga talaga!” I almost shouted.

“Bakit nakita mo ba?” sabi niya na parang wala lang. Tangna!

Hindi. Hindi ko naman talaga nakita. Pagdating ko lang sa bahay nila – umiiyak si Milly sa isang sulok habang nakatayo siya sa harap nito na may hawak ng kutsilyo habang nagkalat naman ang dugo at bangkay ng mga pamangkin ko.

Desperadang KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon