Boom Tanga!

325 7 5
                                    

 

 

"Matalino ka nga, pero pagdating sa pag ibig ang tanga-tanga mo naman."

 

 

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa utak ko ang sinabi sa akin ni Myco. Tila ba isa itong sirang plaka na paulit-ulit na lang na nagp-play sa utak ko. Biruin mo iyon, isang linggo na ang nakalilipas nang sinabi niya ito pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang sakit. 

 

 

Sino ba naman ang hindi makakalimot kung yung inaakala mong nagmamahal sa iyo ng totoo ay pawang peke lamang ang pinapakita? Wala ni kahit ano ang totoo. Mula sa mga salitang kanyang binitawan hanggang sa mga pinakita niyang kilos. 

 

 

Pero saludo pa rin ako sa bofriend ko -- I mean ex boyfriend, akalain mo yun ang isang heartthrob ng campus namin ay nag aksaya ng oras, pera, effort, at kung anu-ano pa para sa isang tulad ko. Tulad ko na simpleng mag-aaral lamang at libro lagi ang inaatupag.

 

Napakagaling talaga.

- - -

 

Isang linggo na din akong hindi pumapasok. Hindi ko kakayanin kung makakasalubong ko si Renz, ang ex boyfriend ko. Bigla tuloy nag flashback sa akin ang nangyari last week.

 

 

** Flashback

 

"Paulene, pwede ba itigil na natin ang lahat nang kahibangan na ito." 

 

 

 

Tumigil ang mundo ko nang sabihin sa akin yan ni Renz. Halu-halong emosyon din ang naramdaman ko. Takot, gulat, kaba, pagkalito.

 

 

 

"B-bakit? May pagkukulang ba ako? May nagawa ba akong mali?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Hindi ko maintindihan. Bakit ganito?

 

 

 

 

"Paulene, lahat nang pinakita ko sa iyo, peke lamang. Hindi totoo. Pinaniwala lang kitang mahal kita. Hindi ba matalino ka? Bakit hindi mo intindihin na ang ibig sabihin nito ay nakikipag break na ako sa iyo?" 

 

 

 

Hindi ko na mapigilan ang mga luhang namuo sa gilid ng aking mga mata. Nagsimula na itong mag unahan sa pagtulo. Ang sakit. Sobra.

 

 

 

Hinawakan ko ang kamay ni Renz. At nagmakaawa sa kanya.

 

 

 

"Renz, sabihin mo naman na hindi totoo yang sinasabi mo. Na isa lang yan sa mga biro mo. Please." 

 

 

 

Halos lumuhod na ako sa harap niya nang mga pagkakataon na yan.

Boom Tanga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon