---Bryon's POV---
Eh sa gusto kong mang asar eh. Bakit sya napipikon masyado?
Naisip ko nalang saka uminom ng beer. Nasa loob ako ng kotse na nakaharap sa mansion.
Para akong nanunuod ng sine tungkol sa mga mag kakapatid na walang magawa sa buhay kundi manuntok at pag selosan ang mga taong hindi naman sila ang tinutukoy.Ano naman kung girlfriend nya yun? Kapatid nya ko, nasa mansion sya kaya may karapatan akong kawawain sya anytime ko gusto.
Maya maya ay nakita kong lumabas na si Trician kasabay si Riley at ang iba ko pang kapatid.
Mukhang ihahatid pa nila ito hanggang sa makasakay ito ng kotse nya.Kumaway sa direksyon ko si Trician at saka kumayaw.
Siguro ay nakaramdam sya na nandito ako dahil tinted naman ang bintana ng kotse ko kaya imposible nya akong makita.Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa pumasok sya ng kotse at umalis na.
Bumalik narin sa loob ng mansion ang mga kapatid ko kaya lumabas na ako ng kotse ko para pumasok sa mansion.Umalis nalang ako ng kusa kanina matapos ng nangyari, hindi dahil na napahiya ako, dahil ang mga ganung bagay ay normal lang para sa taong gaya ko na madalas namang nakikipag suntukan basta maisipan kong makipag away.
Alam ko kasing hindi lalamig ang ulo ni Jaythan hangga't nakikita nya ako sa paligid nya kaya mas mabuting wag na muna akong mag pakita.
Pero ngayong umalis na si Trician, tingin ko ay babalik narin sila sa kanya kanya nilang mga kwarto.
Paniguradong si Riley ay hindi pa agad pupunta kay Jaythan dahil sa nangyari, at dahil dun ay may chance na akong tanungin sya ng tanungin.
Lalo na dahil may mga bagay akong bigla nalang pumapasok sa isip ko na hindi ko maintindihan kung bakit kaya mas magandang pasimple ko ng tanungin.Tahimik akong lumakad sa hallway, wala na akong nakita ni-isa sa mga kapatid ko sa paligid dahil wala na si Trician.
Walang pag dadalawang isip at dirediretso ako papunta sa direksyon ng kwarto ni Riley.
Hinawakan ko na ang door knob ng pintuan ng kwarto nya pero sandali akong nakaisip.Kahibangan ba 'tong ginagawa ko? Baka naman ako lang ang nag iisip na makakatulong sya kahit hindi naman talaga.
Dahan dahan kong pinihit ang pintuan pero bigla akong napahinto ulit at kumatok.
Pinipilit kong ilugar ang sarili ko dahil paniguradong masama ang loob nya sa akin."Sino 'yan?"
Narinig kong tanong mula sa loob, hindi iyon pasigaw, mahinahon lang at mukhang nasa harapan lang sya ng pintuan.
Nakabukas na ang pintuan, pero hindi ko naisipang itulak pa ito pabukas, at mabuti narin iyon dahil mukhang nakatayo nga talaga sya sa harapan.
"It's me."
Sagot ko lang. Bahala na sya kung hindi nya ako makilala.
"Ano?"
Tanong nya. Napabuntong hininga lang ako saka inilapit ang mukha ko sa pintuan para mas marinig nya ang sasabihin ko.
"Just wanna say sorry. I didn't mean to make Jaythan angry that way."
Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Yun lang ba?"
Tanong nya pa.
"Uh- uhm, yeah that's all."
Bigla nalang akong natiklop ng hindi ko namamalayan at nawala ang mga tanong ko sa kanya.
Unti unti ko ng hinila ang pinto pasarado pero bigla kong narinig ang pag hikbi nya.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romantizm#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...