Sabi nila, kapag magmamahal daw tayo dapat yung mamahalin din tayo. Ang sabi ko naman, hindi sa lahat ng pagkakataon. Diba, mas matatawag mong pagmamahal ang nagmamahal ng hindi nag-aantay ng kapalit.. dahil ang love daw ay hindi isang tanong na kailangang laging may sagot. Ang gulo nuh? Pero ako? Gagawin ko lahat mapansin at mahalin lang ako ng taong mahal ko.
"Ah, ma'am excuse?" tanong ni Denver ang soon to be valedictorian ng class A
"Yes, Denver? I-is there any problem?" nanginginig na tanong ni Mrs. Soriano. Bakit sya nanginginig? Basta, antayin nyo...hahaha
"I stand to correct you ma'am. But according to what I know, compound sentence is the combination of two independent clauses or simple sentences with the use of conjunction which are the FANBOYS. But unfortunately, what you've given us was the complex sentence." nanlaki ang mata ni Mrs. Soriano at binuklat ang textbook. Nagpapalit palit naman sya ng tingin sa libro at kay Denver. Wala, natulala na naman sa katalinuhan nya. Habang kami, ang buong klase ay napanganga. Wala eh, araw araw na ganito.. di parin kami nasasanay sa utak nya.
"Yes, yes... ve-very good Denver.." putol nya at napalunok, "o-okay, sumakit ulo ko, class dismiss!" sabay labas ni ma'am. Hay naku, mukhang madami daming biogesic ang kailangan ni ma'am.
"Whooaaa... Den, savior ka talaga namin! Tara sa cafeteria.." aya naman ni Josh, bestfriend nya ata? Ang laki kasi ng pinagkaiba nila, si Josh babagsakin pero matyaga.. si Denver, super dami ng active brain cells.. kaloka!
"No, sa library ako pupunta" sabi nya at umalis na. Napakamot nalang sa ulo si Josh.
Naglabasan na ang lahat. Ako at si Niña nalang ang naiwan sa room. Di parin kasi ako makaget over sa nangyari kanina.
"Hoy... Zafrina tara na, gutom na ko" ayaya ni Niña. Pero di parin ako gumagalaw.
"He did it again..." bulong ko
"Ha? ano??"
"Wala, sabi ko ang galing talaga ni Ver." tapos ngumiti ako ng wagas.
"Ver? Si Denver? hahaha... nabuhay na naman ang hidden feelings mo?" pang-aasar ni Niña
"Oo, tapos ang gwapo pa nya" tapos ngiti ulit ako pero nagdedaydream na
"Ano? Gwapo? San banda? Bulag ka ba? Eh, nerd yun e... masungit pa. Hindi sya bagay sayo friend... Queen bee ka dito sa school teh.. ang bagay sayo yung isang barkada nya.. si Lyndon baby :)" sabi nya na parang kinikilig pa. Eiiwww.. si Lyndon? Bakla yata yun e. Kung di nyo kasi natatanong member si Denver ng isang club dito sa school. Head over heels club yata ang tawag nila. Basta, puro gwapings ang member nun. Marami nga ang nagtaas ng kilay noong maging member si Denver. Hindi daw kasi bagay ang nerd.. dapat daw kung hindi King bee, dapat varsity player at hindi book keeper. 3rd year High school sya naging member, transferee sya.
"Ang sama naman nito..." putol ko "Ayy, Niña, alam ko na kung paano ako magiging malapit sa kanya..." ngiti ako na parang my evil plan, "magpapanggap akong nerd.. hahaha"
"seriously?"
"oo.. at liligawan ko sya"
***NEXT MORNING***
"Huh? Sino yan? Ngayon ko lang nakita dito yan. Parang nerd din tulad ni Den" sabi ng mga classmate ko
"Malabo ba mga mata nyo? Si Zaf yan, ang Queen bee!!!" sigaw nung isa bago ako umupo sa seat ko. Napasmirk nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Numb Nerd
JugendliteraturNumb..manhid... nerd na nga manhid pa~ Zaf Sino? Ako... manhid, baka sya..! ~ Denver