Ang ulan at ang payong (one shot)

53 0 1
                                    

Mahal kita, torpe ako

Gusto kitang ligawan, torpe ako

Single tayong dalawa, torpe parin ako.

Hay.... Bat ba kasi ako nagkaroon ng ganitong klaseng sakit? Ang pagiging TORPE.

Yan tuloy hindi ko manlang makausap o malapitan si Kaye, ang Ultimate Crush ko. Kailan kaya nya ako mapapansin? no, hindi yan ang tanong ko, kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na masabi ang nararamdaman ko kay Kaye?

Nga pala, ako si KAEL UCLUSIN, 4th year highschool, 1st year hs palang ako, nagkagusto na ako kay kaye, hindi naman sa pagmamayabang, nasakin nadaw ang lahat, gwapo daw ako, mayaman, mabait, tsaka matalino, pero di nila alam na akoy isang dakilang TORPE

"MR. KAEL UCLUSIN, WHY ARE YOU NOT LISTENING TO MY LECTURES?, and why are you smilling while looking at miss KAYE QUINTOS?,!"

Patay!

"A-ahh, e-ehh" bago pa ako makasagot, pinalabas na ako ng guro namin, kaya pupunta nalang ako sa clinic, tutal may wifi dun *insert devil smile here, 😈*

Umupo ako sa upuan dito sa clinic, wala yung nurse dito kaya, nilabas ko ang cellphone ko, at nagfacebook, nang biglang may dumating,

😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮😮

"Wala yung nurse dto?" Nakangiting sambit sa akin ng dalaga

"A-ah, e-ehhh, wa-wala kaye e-h" nauutal na sagot ko kay kaye

Umiiral na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagkautal.

"Ganon ba, cge, maiwan na kita dto"nakangiti paring sambit ni kaye sa akin.

Ang ganda talaga ng ngiti nya. 😍😍😍😍

------K I N A B U K A S A N -----

Pag gising ko,naligo na ako't nagbihis, tapos kumain na din,

Sumakay ako ng jeep dahil mejo malayo ang paaralan namin mula dto sa bahay.

Pagkadating ko sa plaza, dto kasi ang stop over ng jeep, malapit nalang dto ang paaralan namin, walking distance nalang, habang naglalakad ako, tumigil ako sa harap ng isang bahay dahil kumulog at parang uulan na ata, at yun nga umaambon na, sisilong na sana ako sa nasa tapat kong bahay, ng biglang may babaeng lumabs na may hawak na PAYONG,

"uy, kael, halika na dito, sumilong ka na dto sa payong ko, umaambon na oh, baka mabasa ka at magkasakit ka nyan" nakangiting sabi sa akin ni KAYE 😍

nakakabakla man, ngunit inaamin ko na kinikilig at nagblublush na ata ako,

"Uy kael!nababasa ka na!" Tawag sa akin ni kaye

Ay! Tulala lng pala ako dto.

Lumapit ako sakanya't nakisilong sa payong nya.

Habang naglalakad kami, tinititigan ko lang sya,

"Baka matunaw ako nyan ah" sabi nya sakin.

Opps!

"Ah eh, salamat" sabi ko ng diretso. Take note hah DIRETSO! Walang utal. 😉☺️☺️☺️

"Para saan? Tanong nya

"Dto, sabi ko sabay turo sa payong nya.

Ngumiti lang sya sa akin,

"Nga pala kaye, may sasabihin sana ako sayo, pero sana wag kang maiilang sakin hah?"sabi ko sakanya

Ito na ata ang tamang oras, panahon at KLIMA. Hahaha

"Ano naman yun?" Sabi nya ng nakangiti

"Ah eh, nais ko lang sana sabihin sau na may gusto ako sau, matagal na, 1st year palang ako,natamaan na ako sau, ikaw ang naging ispirasyon ko kaya ako nagtop sa klase, sana wag mo akong layuan, sana magkaibigan parin tau" sabi ko

Hinihintay ko ang sagot nya, 1 minute ang nakalipas bago nya singot ang tanong ko

"Sorry hindi ko ata matatanggap na magkaibigan tau" sbi nya at tumingin sa malayo

ARAYYYY!!!!!!!!!!! Men! Sapul!

"Kasi ang gusto ko ikaw ang magiging boyfriend, prince, at mapapangasawa ko, kasi ako din may gusto din ako sau, nung 1st year din, alam mo ba noong pumunta ka sa clinic, sinundan kita noon, kasi gusto ko sanang ipagtapat ang nararamdaman ko sayo, kaya lng nahihiya ako sau," sabi nya, nagblublush na kaming dalawa

MAY GUSTO DIN SYA SAKIN?!!!

" ganun?, so pwede na ba akong manligaw sau? Sabi ko sakanya

FINALLY!

"Oo naman!" Sagot nya

Kasabay ng paglalakad namin ang pagbiglang lakas ng buhos ng ulan,

Nababasa na kami ngunit patuloy parin kami sa paglalakad, dahil sa saya naming dalawa, napagdesisyonan namin na maligo nalang ng ulan, tumatakbo kami ng magkahawak ang kamay, ang saya saya naming dalawa.

Pagkalipas ng dalawang buwang panliligaw ko sakanya, sinagot na nya ako, sobrang saya naming dalawa dahil hindi tutol ang mga magulang namin... Noong sinagot nya ako, same place, same weather din nung pinagtapat namin sa isat isa ang nararamdaman namin.

7 years passed

"Yes I do" yan na ata ang pinakamatamis na narinig kong salita sa buong buhay ko,

Nagpakasal kaming dalawa ni kaye, nagkaroon kami ng 2 anak, sina Jorev, at, caoline clay, kami ngayon ay nakatira sa Canada,namumuhay ng mapayapa, at masaya. napakahirap isipin na ang dating crush ko na malabong makakausap ko ay ngayong ina na ng anak namin, ang lahat ng ito ay nagsimula sa isang PAYONG LAMANG.

Ngayon, pinapangako ko sakanya, na ako ang makakasama nya habang kami ay tumatanda, ako ang mag aalaga sakanya pag may sakit sya,at ipapaalala ko sakanya ang lovestory namin, at higit sa lahat ako ang magmamahal sakanya ng lubos hanggang sa akoy mamamatay na,

Ako si KAEL UCLUSIN ANG DAKILANG TORPE NA NAGPAPASALAMAT NA ISANG PAYONG.

THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Weather weather lang yanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon