Chapter 6

62 4 0
                                    

Thalia's POV

Pagkatapos ng pangyayari,nagyaya si Alex na pumunta nalang kami sa isang cafe.

Walang kibo si Alex at halatang hanggang ngayon ay naiinis parin siya,naiilang na talaga ako kaya sinubukan kong basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"U-uhmm A-alex"nauutal kong sabi sakanya.

"Mmm?"sagot niya sakin pero hindi niya pa rin ako tinitignan.

"G-galit kaba sa akin?"

Parang nagulat naman siya sa tanong ko kaya bigla siyang napatingin sa akin.

"Huh?may dahilan ba para magalit ako sayo?"

"E-eh kanina mo pa kasi ako hindi pinapansin,wala kang kibo sa akin,kaya akala ko galit ka"malungkot na sabi ko sakaniya

"Hindi ako galit,naiinis ako sayo"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Naiinis ka sa akin?bakit?may nagawa ba akong mali?alalang tanong ko sakaniya.

Napabuntong hininga naman siya bago siya sumagot sa akin.

"Ikaw kasi eh"

"Ha?bakit ako?"

"Hindi mo man lang maipag tanggol yang sarili mo!"inis na sabi saakin ni Alex.

"E-eh kasi naman Alex,alam mo namang ayoko ng gulo,ayoko talaga"

"Ayaw mo ng gulo kaya yan ang nangyayari sayo?

"Eh wala naman along magagawa, kasi ayaw talaga nila sakin, kaya hanggat maaari ako na ang iiwas"

"Kaya papabayaan mo nalang silang saktan ka ng ganyan?iiwas ka nalang?Kate please naman ipagtanggol mo naman yang sarili mo"

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi sakin ni Alex.

"Kahit naman yatang ipagtanggol ko pa ang sarili ko, Hindi nila ako titigilan,kaya nga ako na ang iiwas hanggat nalang sa magsawa sila"

"Kate naman"pigil na inis na sambit sa akin ni Alex"wag mo naman sanang hayaang may mangyaring masama sayo,nag aalala ako sayo dahil baka may mangyaring masama sayo dahil jan sa kaiiwas mo..kahit na may gawing silang nakakasakit sayo eh pag iiwas paring ang nandyan sa isip mo,isa lang naman ang pakiusap ko eh ipagtanggol mo naman sana yang sarili mo"

Ramdam ko naman ang pag aalala sa akin ni Alex, ngayon nakukuha ko na ang point niya, baka nga tama siya at Mali ako.

"Pasensya kana.. Wag ka naring mag aalala sa akin dahil gagawin ko na yan, at hindi ko din naman sila hahayaan na may gawing sila sa akin,na ikakamatay ko pa"

"Psh hindi hahayaan hindi hahayaan, eh umiiwas ka nga diba? Inis paring sambit sa akin ni Alex.

"S-sorry n-na"

"Kakausapin ko nalang si Dean,para maka sigurado nakong hindi ka na nila gagawin"

Hindi nako tumangi sakanya at nakinig nalang ako.

xxxx

Calvin's POV

Break time narin at tumungo naman kami ni Khian papuntang Cafeteria. Actually mula nung first day of class, ngayon palang ako kakain sa Cafeteria,kakadating lang kasi ng parents ko from States,and sad to say na aalis nanaman sila next week,kaya bawat lunch break sa mall kami kumakain, bonding narin siguro namin yun.

"Dre,iingay nanaman niyan ang Cafeteria ng dahil sayo"natatawang pang aasar sa akin ni Khian.

"Eh,di kung ayaw mo ng maingay hindi nalang ako kakain."sabi ko at akmang tatalikod na sana ako ng pigilan ako Khian.

Kahit kailan tong lalaking to hindi mabubuhay hanggang hindi ako napipikon, badtrip.

"Eto naman binibiro kalang eh, ang tamporurut mo hehehe"mapang asar nanamang sabi sa akin Khian.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sorry na dre,ibig ko lang namang sabihin eh iingay nanaman ang Cafeteria at isama mo na ang buong school ng dahil sayo hehe sobrang gwapo mo kasi dre eh pati na rin ako"

Hindi ko na siya pinansin dahil nababadtrip lang ako, Paksheteng Khian yan.Badtrip nawala tuloy ang mood ko.

Pagkarating namin sa labas ng Cafeteria nakita agad naman ang mga nagkukumpulang mga estudyante.

"Yan ang bagay sayo ang pangit mo na nga,mas lalong pumangit kapa HAHAHAHA"

Hanggang dito sa labas rinig na rinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses.

Si Samantha....

Mabilis akong pumasok don at bumungad sakin ang isang babae....

Tumingin ako kay Samantha at halatang nagulat siya ng makita ako. Hindi ko na lamang siya pinansin at pinuntahan ko na agad ang babaeng nakaupo sa sahig.

"Miss are you okay? tanong ko.

Hindi niya na nagawang sagutin ang tanong ko ng biglang may pumasok na babae.

Nasaksihan ko pa kung paanong sinaktan ng babae si Samantha pero hindi nagtagal umalis din sila. Hindi ko napigilan ang sarili ko, kaya sinundan ko ang dalawang babae.

Nang matanaw ko na sila...

"Miss"tawag ko sakanya at lumingon naman ito.

"Kate right?"tanong ko.

Parang nagulat pa siya sa tanong ko.

"Yes"parang nagtataka pa ring sagot niya.

"Kate tara"anyaya sakaniya ng kasama niya,kaya wala siyang nagawa kundi sumunod.

Hindi ko natanong kung kamusta siya...

Biglang naalala ko si Samantha kaya nagmadali naman akong tumungo ulit sa Cafeteria. Pagkarating ko sa Cafeteria nandon parin siya sa pwesto niya kanina,kaya agad ko itong nilapitan.

"Samantha"galit na sambit ko.

Tumingin naman ito sa akin,at halatang takot na takot siya.

"C-calvin i-it's not m-my fault, p-please belive m-me,siya a-ang n-nauna hindi a-ako"utal na utal na sabi niya.

"Ilang beses mo na bang sinabi yan ha?hanggang ngayon ba hindi ka parin nagbabago? Damn it Samantha,ano bang mahirap sa pagiwas sa gulo? Yan lang ang pakiusap ni tito,yan lang ang pakiusap namin. Just please stop what you're doing Samantha! Just please stop bullying! Just please stop okay? "Sa sobrang galit ko sakaniya,pagkatapos kong sabihin yan ay umalis din ako at dumertso nalang ulit ako sa classroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd To GorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon