KEITH
PATUNGO ako ngayon sa bahay na pagmamay-ari ko, kung nasaan kasalukuyang nangungupahan si Nancy.
Mahigpit talaga ako lalo na pagdating sa renta, dahil kailangan ko din ng pera. Maraming hirap din ang napagdaanan ko para maitayo lang ang bahay na iyon, kaya kailangan kong maging mahigpit sa bayad ng mabawi ko man lang ang ininvest kong pera para lang mabuo 'yun.
Estudyante sa araw, trabahante naman pag gabi. Nagpa-part time ako bilang laborer, nag aalsa ng mabibigat para lang may kitain. Kaya nga sa edad kong ito ay napaka maskulado na ng katawan ko dahil sa pagtatrabaho.
Kulang kasi ang binibigay saakin ng mommy, hindi nya kayang sustentuhan ang mga maraming pangangailangan ko. Kaya ako nalang ang naghanap ng paraan para magkaroon ng sariling puhunan.
Kinatok ko ang pintuan, at habang naghihintay na pagbuksan ay humugot ako ng sigarilyo sa likod bulsa at sinindihan iyon.
Bumukas iyon at tumambad ang payat na matanda, ito marahil ang ina ni Nancy. "K-keith, iho..." Salita nya.
"Maniningil ako." Usal ko sabay buga sa usok ng aking sigarilyo.
"H-hindi ba naibigay sayo ni Nancy kagabi?" Kunot noo niyang sabi.
Saglit akong natigilan. Kaya pala nandoon siya kagabi, tss! Dahilan kung bakit nahuli niya kami.
"Hindi." Maiksing sagot ko.
"Hintayin mo nalang, uuwi na rin iyon maya maya." Salita ng matanda.
Sumandal ako sa pader at napatingin sa oras. "Mga anong oras uuwi 'yun?" Tanong ko.
"Nandito na iyon, maya maya. Gusto mo pumasok muna?" Aya niya.
"Hindi na. Dito nalang ako maghihintay."
"Iiwan ko nalang na bukas ito baka sakaling gusto mong pumasok." Ani ng matanda bago umalis sa harap ko.
Malalim akong napabuntong hininga. Bakit naman kaya hindi na lang niya binigay saakin ang bayad nya kagabi, nakakita lang ng nagsisiping nanakbo na agad. Para namang hindi namin ginagawa iyon.
Naubos ko na ang isang pakete ng Marlboro ngunit wala parin ang babae. Huling yosi na itong hinihigop ko, nababagot na rin ako rito.
Nasaan na ba ang babaeng iyon?
Napatingin ako sa relo. Alas-onse na pero wala parin siya. Yari, talaga saakin ang babaeng 'yun pag naabutan ako rito ng madaling araw.
NANCY
SA WAKAS at makakauwi na ako, nag OT ako para pambawi sa bale ko sa insik.
Gutom na ako at inaantok, napatingin ako sa oras—12:00am.
Naku! Kailangan ko na talagang umuwi ng bahay at baka nagtataka na iyon si nanay. Hindi ko pa naman sinabi na matatagalan ako ng uwi ngayon araw.
Inayos ko muna ang mga gamit bago ko nilisan ang Toy factory. Anak ng pating! Sapo ko ang ulo.
BINABASA MO ANG
The Ruler Has Returned (R18)
General FictionBarumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niya pala tunay na ina ang akala niyang ang babaeng nagbigay sa kanya ng buhay? Ano kaya ang magiging b...