Epilogue II

183 9 5
                                    

FLORENCE

Nakayakap lang ako kay Geoff habang nagkukwento siya, dahil masyado akong na-overwhelm sa nalaman ko. Ibig sabihin, tama pala ang hinala ko dati na si Geoff nga si Mr. Pagong?

"I'm sorry, Florence," sabi niya sa'kin habang yakap niya rin ako. Medyo gumilid kami sa may konti lang ang tao para hindi naman kami agaw eksena. Malakas pa rin kasi ang buhos ng ulan kaya sumilong sa tabi namin ang maraming tao pero hindi namin sila pinapansin. At kung para sa kanila nakaka-badtrip ang ulan, para sa'min ni Geoff isa iyong napakagandang bagay, isang sign na siguro dapat naming pansinin.

"Bakit ka nagso-sorry?" Out of focus namang tanong ko, dahil hindi naman ako makaramdam ng hinanakit dun sa paglilihim na ginawa niya.

"I lied to you. Dapat inamin ko sa'yong ako yun, pero hindi ko ginawa. Can you forgive me, Florence? Mas gusto ko kasing ako 'yung kausap mo kesa kay Mr. Pagong. Mas gusto kong ako 'yung magustuhan mo..."

Teary-eyed na rin ako dahil bukod sa matinding revelation niya, hindi rin talaga ako makapaniwalang nandito siya, dahil akala ko si Ivan ang pupunta ngayon dito. "Dati kinutuban na ako na ikaw si Mr. Pagong. Kasi parang may similarity 'yung boses niyo."

"Minsan nga iniisip kong baka may suspetsa ka na, lalo na kapag kumakanta ako," dagdag niya naman habang tinitingnan ako nang masaya. Pero oo nga no? Bakit ang slow mo, Florence? Kaboses nga ni Mr. Pagong si Geoff kapag kumakanta ito! Kasi medyo iba 'yung singing voice ni Geoff eh! Bakit hindi ko yun napansin dati?

"Pero bakit si Ivan 'yung nagpakilalang si Mr. Pagong? Paano yun nangyari?" Nagtataka namang tanong ko.

"Noong mga panahong yun sigurado na ako sa feelings ko para sa'yo," panimula niya. "At willing na akong umamin nun sa'yo. Kaso humingi sa'kin ng tulong si Ivan noon. Hindi niya alam kung paano ka lalapitan ng hindi mo siya iiwasan. At dahil gusto ko na rin namang bitawan ang identity ni Mr. Pagong, hinayaan kong si Ivan na lang ang magpanggap bilang siya, dahil inisip ko na makakalimutan mo na rin naman ang tungkol dun... Pero obviously mali ako. Hindi ko dapat yun ginawa, dahil sa tingin ko dahil dun mas lalo kang nasaktan. Mas lalong naging complicated ang lahat para sa'yo. Balak ko nang aminin sa'yo ang tungkol dun noong maging tayo pero saka naman dumating ang panibagong problema sa relasyon natin. Nakuha nga ni Felicity 'yung video mo, kaya nakalimutan ko na 'yung problema ko tungkol kay Mr. Pagong. At dahil dun gusto ko sanang mag-sorry sa'yo Florence. Niloko ka namin pareho ni Ivan."

"Kung ganun, yun pala 'yung sinasabi ni Ivan na gusto niyang aminin sa'kin pero hindi niya magawa dahil hindi raw siya ang dapat magsabi nun..." dugtong ko. "Alam mo Geoff, kung dati ko ito nalaman, malamang hindi lang ako nagalit sa inyo ni Ivan. Baka hindi ko na rin kayo pinansin kahit kailan."

"I know. I'm really sorry, babe. Pero hindi ko sasabihin sa'yong hindi ko sinadyang ilihim yun, dahil sinadya ki yun. Nung una kasi hindi kita magawang makausap nang maayos, remember? Kasi puro tayo asaran. Somehow I became happy when I was able to talk to you as him. Pero nagsinungaling ako. Remember that night at the Acquiantance Party? Sinabi ko sa'yong hindi ko alam na pupunta si Ivan. Pero alam ko yun. I lied to you, and took advantage of your situation. Kaya nga sobrang guilty ko rin dahil dun. Sorry talaga. Okay lang na magalit ka..."

"Hindi naman ako galit," sagot ko agad at parang napawi agad 'yung pangamba sa mukha niya.

"Talaga?"

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon