Chapter 1

182 13 0
                                    

Mouline' POV

"Bye ma!" Paalam ko kay mommy pagkatapos ko siyang bigyan ng halik sa pisngi

"Mag-iingat ka!" Saad nito habang kumakaway

Nang makasakay na ako ng van ay pumasok naman si mommy sa loob. Hindi naman magpaliwanag ang mga itsura ng mga kasama ko sa loob ng van. Ano kayang nakain ng mga ito at ganito makatingin sa'kin.

"What!?" Ang naiirita kong tanong sa kanila

"Mukhang good mood ka ata ngayon bes. Share mo naman yan." Wika ng bestfriend kong si Cairie with muching pout na akala mo eh aso

"Bakit masama bang maging good mood ngayong araw?" Pagbabalik tanong ko sa kanya

"Hindi naman. Nakakapanibago lang, mostly kasi--"

"That's enough. Past is past." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Okay..." Matipid ngunit may kahulugan nitong sagot

Kinuha ko ang earphone sa'king bag at sinalampak sa'king tainga. I used to listen to a music and feel every words it says while I was on a ride. Mabilis kasi akong mahilo lalo na sa mga air-conditioned van. Mostly sa may tabi ako ng bintana umu-upo para just in case na dumating ang pagputok ng mayong volcano eh prepared ako at walang kawawa not unless sa mga tap sa labas at ang taong naglilinis ng kalsada.

Someone tapped my shoulder from my back kaya napalingon ako. Si Louie pala, ang gitarista sa aming simbahan. Somehow hindi maipagkakaila na gwapo siya. Lahi raw kasi sila ng mga mestiso. Maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Minsan nga ako ang ginawa nilang way para mapansin ni Louie, pero walang effect. Wala pa sa listahan niya ang babae, masyadong naka-focus Ang kanyang atensyon sa pagtulong sa kanyang magulang at sa kanyang pag-aaral.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Music jamming daw tayo sabi ni pres. Naka-earphone ka kasi kaya di mo siya narinig." Saad nito habang itinuturo ang youth president namin na nasa unahan

"Sure, why not." Ang masigla kong tugon

"Mouline, isip ka ng kanta. O kaya naman ikaw na ang magsimula. Pass the song ang gagawin natin ngayon I know alam niyo na yon." Saad nito

Pass the song ang kadalasan naming gawing mga youth kapag ka magkakasama kami. Ito yong way namin para kalimutan saglit ang aming mga problema at samahan Ang bawat isa. Simple lang naman siya, iisip ka ng kanta na nais mo then kakantahin mo siya. Hihinto ka sa word na nais mong maging simula ng taong susunod sayo na kakanta. Simple lang sabihin pero mahirap gawin lalo kung mabagal kang mag-isip.

"Sige ate, ano pong magiging parusa? Hahaha."

"Parusa talaga hindi ba pwedeng dare lang?" Wika ni Aeroll ang pinaka mabagal mag-isip sa'ming lahat

"Mas okay ng parusa para naman ma-pressure kang mag-isip agad." Saad ni Joy

"Hanggang dito lang po ang usapan." Wika ni Aeroll habang kunwari gumuguhit ng linya hiwalay sa side ni Joy

"Sabat ng sabat hindi naman kausap, diba Lyca?" Saad ni Joy na kunwari kausap si Lyca na agad din namang sinang-ayonan

"Ops! Tama na ang ka-sweetan niyong dalawa. Baka langgamin tayo dito ng di oras." Singit ni Benjamin

Matalim naman siyang tinitigan ni Aeroll samantalang si Joy nama'y isang matalim na siring ang ginawad sa kanya. Isang malakas na tawa naman ang namayani sa loob. Kung hindi mo sila kakilala, mapagkakamalan mong mag-kasintahan ang dalawang to. Sa araw-araw na kasama ko sila sa school, walang araw na hindi sila nag-away. Sila ang aso at pusa ng section namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kaibigan Lang palaWhere stories live. Discover now