Chapter 5

37 3 0
                                    

Silence........

Nagkatitigan kami. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan. Describe gwapo in one word? "LEXELL"

Those deep brown eyes na may malalantik na pilik-mata, well defined na kilay, matangos na ilong, kissable red lips, strong jawline...and oh.. nung nagkatawanan sila ng mga kasama nya kanina he has cute dimples.....in short nakakalaglag panga. I therefore conclude that Lylle was stating a fact. Napakaeffortless para sa kanya ang mang-akit ng babae, siguro isang ngiti lang niya wala pang 1 second mapaoo ka na.

Pero huwag lahatin, dahil inukit ko na sa utak ko na hindi ako mahuhulog sa bitag niya. First, turn off ako sa lalaking may tattoo, second, gusto ko may sense of humor, third, I prefer to fall for a one-woman-man, fourth, nag eexist ang salitang "commitment" sa bokabularyo niya and last hindi playboy...hmmm..parang yung third to last pareho lang ba??

"Staring isn't a good hobby." natauhan ako sa sinabi niya.

Akmang papasok na siya sa Men's Cr ngunit napatigil siya ng hawakan ko siya sa braso.

"May problema ka ba sa akin?" di na ako nakatiis na tanungin siya.

Nilingon nya ako at walang emosyon na sumagot "Tsskkk...bakit naman kita poproblemahin??"

Aba ang loko may gana pang magsuplado. Putek naman oh ang sarap hampasin ng combat shoes..nakakaubos ng pasensya. Oopps...Lav remember nagsubside na ang galit mo. Remember? Huwag paapekto at dadami ang wrinkles.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Nginitian nya lang ako in return..ang dimples grabe..sarap tingnan mukha siyang anghel...

"That signature hair, Anna is that you??But the last time I checked, hindi mataray si Anna tanong mo pa kay Olaf." sabay talikod nya at pumasok na ng comfort room.

Isang malaking BWISIT!!! Binabawi ko na hindi siya mukhang anghel..he's a devil in disguised. Andun na eh ngumiti na eh, sabihan ba akong mataray. Eh anu ngayon?? Kahit sabihin niya pang mataray na version ako ni Anna maganda ako. Kahit utusan niya pa akong mgtanong kay Olaf maganda ako. Wala na siyang magagawa basta maganda ako. Hindi niya ba napapansin? Tusukin ko pa ng carrots mata nya eh.

================

Gabi na ng makauwi ako sa condo ko. Magkasama kami ni Lylle nagdinner at tumambay muna sa isang mall pagkatapos ng trabaho. Yes, independent na ang lola niyo. Pero paminsan minsan, pumupunta pa rin ako sa bahay namin lalo na pagmaglalambing si Mommy at namimiss niya na daw ako pati na rin ang bonding namin ng younger brother ko na si Zeus Kirk. Bunso namin siya at nasa 2nd year high school na siya.

Kakatapos ko lang magshower. Hayyyyy I miss my bed..sumalampak ako sa kama ko. Sarap ng feeling, pampalubag loob sa buong stressful na araw ko. Bukas hindi ko hahayaan na sirain niya ang araw ko. Hinding hindi na ako magpapaapekto sa presence niya. Kunwari hindi siya nag eexist. Hmmmm..panu ko kaya siya iiwasan? Ang hirap naman, magkasama na kaming magtatrabaho. Siguro magiging civil na lang ako sa kanya. Hahabaan ko na lang pisi ko. Bahala na si Iron man.

Tomorrow is another day kaya magiisleeping beauty mode na ako.

Pikit mata....

Syete..Ocho..Nuebe....bakit nagpopop-up yung mukha niya sa isip ko?? Nagmulat ako at piniling ang ulo ko.

Pikit ulit..

Wuuuuuuahhhh!! Mukha niya pa rin. Permanent wall paper na ng utak ko yata ang face niya.

Sa ngalan ng katiwasayan, lumabas ka sa utak ko!!! Hopeless, no effect.

Bumangon ako at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama. Makapanood na nga lang ng tv. Lilibangin ko muna sarili ko baka mawala siya sa isipan ko.

I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon