Playing Provincial Proxy
Kabanata 40
"Kathey! Oh my God! What happened?"
Maraming dumalo kay Kathey pagkarinig ng pagkabasag. Tila prinsesa siyang kahit ang madapa ay hindi dapat. May mga katulong na nagligpit ng natapong pagkain. Samantalang may agad na naglagay ng tuwalya sa kanya. May tumulong luha sa kanyang mga mata na kahit kailan ay hindi niya inalis kay Xinna. Ang mahaba at makintab niyang buhok ay humalo sa kanyang maputi at mamula-mulang basang pisngi.
Ang XS team ay nakihalo na rin sa komusyon. Huminto ang musika at tila ang mundo ay umikot lang sa pangyayaring nakahain sa aking harapan.
Patuloy ang pagtulo ng luha ni Kathey. Lumapit si Circo at hinila siya papaalis roon. Muntik itong matumba dala ng panghihina ngunit mabilis siyang inalalayan ng kasama. Pinaupo siya sa malapit na mesa at pinaypayan. Bumalik din ang ibang mga tao sa dating ginagawa at may iilan ng nagpaalam na aalis.
Nabato ako sa aking kinatatayuan at masyadong mabagal ang pagproseso ng pangyayari.
"She can't breathe!"
"I think she might pass out!"
Tahimik kong pinagmasdan ang mabilis na pag alis ni Xinna sa aking tabi. Tumakbo siya sa mesa kung nasaan nakaupo si Kathey. Naghiwalay ang mga tao para bigyan siya ng espasyo. Hindi ko masyadong makita ang nangyayari ngunit isa lang ang klaro sa akin. Nakatalikod si Xinna sa akin ngunit alam kong kaharap niya si Kathey. Hawak niya ang magkabilang braso nito. People are watching what he's doing. Wala akong ideya kung ano ang ginagawa niya. Sunod ko nalang nalaman ay naging maayos na si Kathey.
"Okay na siya!"
"Goodness gracious, salamat naman!"
"I can't believe it!" Ibinulalas ni George ang mga salitang kanina ko pa hindi masabi. "Ang akala ko ay hindi na siya babalik! But, heck, I know na babalik at babalik siya!"
Tumingala ako sa kalangitan. Maraming bituin. Nasa veranda kami ng malaking mansyon. Hinila ako ni George dito. Malaki ang pagpapasalamat kong ginawa niyo iyon kundi matagal na akong nasakal sa loob dahil pakiramdam ko ang sikip sikip roon at nahihirapan akong huminga nang maayos.
"Ayos ka lang, Rall?" nag aalangan ang boses ni George pagkatapos ng kanyang mga sinabi.
Hinimas ko ang braso dahil sa panlalamig. "Nagulat lang... kaya bakit hindi ako magiging maayos..." I said it more to myself.
Wala naman akong dapat ipangamba. Ang sabi ni Xinna, tapos na sila. She's just part of his past.
"Tahimik ka..."
Huminga ako nang malalim. Bumalik sa isipan ko ang pangyayari kanina. Sa dami ng beses kong narinig ang pangalang Kathey Bylle Fuentello, ngayon ko lang siya personal na nakita. She's tall, pretty, sexy and has an hourglass body. Her skin is porcelain white na tila isang hawak lang ay mamumula agad. Halatang medyo nasanay na ang kanyang balat sa malamig na temperatura dahil sa labis na kaputian nito. Kung itatabi siya sa akin, walang walang wala ako.
Dati, I just entertained the thought that what if one day, she comes back. But now, she's really here. She's no longer in England, she's here now in Philippines. At kung ano man ang rason kung bakit siya bumalik dito... hindi ako bulag para hindi iyon makita. Sa mga mata niya palang kanina, alam ko na kung ano... sino ang dahilan niya.
"Rural!"
Umikot ako mula sa balkonahe. Hinihingal si Xinna nang bumungad sa harapan ko. Sa sobrang lamig ng gabi ay nakikita ko ang puting usok sa bawat pagbuga niya ng hininga. Basa ang buhok niya sa pawis at ang dalawang butones ng puting polo niya ay nakabukas na.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
Roman d'amourHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections