•Narrative•
Vacation time na!
Nagkaayaan kami ni Larrent na gumala sa mall.
Kaso syempre, hindi pumayag ang mga magulang namin na kaming dalawa lang—para daw kasing magd-date kami. Duh!
Kaya ang nangyari, isinama namin ang mga nakababatang kapatid namin. Ako, sinama ko si Kionne habang si Larrent naman ay sinama si Laurrence, ang bunso sa kanilang limang magkakapatid.
Habang naglalakad sa mall ay naaasiwa kami ni Larrent sa dalawang kasama namin dahil mas sweet pa sa brown sugar ang dalawa. My gash! Nagka-develop-an pa yata sa isa't isa.
O, so sino na ngayon ang nag-date?
Itinuon ko na lang sa mga shops and stall sa malls ang aking tingin dahil ayokong makita ang harutan ng dalawang bata (Yes, grade 8 pa lang sila sa upcoming School Year. Sarap pagbabatukan.)
Habang naglalakad at nakikipag-usap kay Larrent, bigla akong napatigil. Kasi...
May shop na Peanuts-inspired!
Agad akong pumasok dito at nagsunuran ang mga kasama ko. Ang cute naman kasi ni Snoopy!
Hah! Akala ni Kuya Ten siya lang ang may gusto kay Snoopy, ah. Kaya ko nga napansin ang relo niya at grabe ako maka-react no'n kasi sa totoo lang, inggit lang talaga ako sa cutie na relo niya! Haayy.
Habang busy sa pagtitingin ng items na may Snoopy, bigla akong tinawag ni Larrent. "Kiya, tingnan mo 'to oh. Feeling ko gusto mo nito. "
Lumapit ako sa kinapupwestuhan niya at nakita ko ang sinasabi niya. "Waaah OMG! Relo na Snoopy! "
Yep! Kaparehas na kaparehas ito ng relo ni Tenecius. Dito niya lang pala 'yon binili.
"Bilhin mo na. Last na 'to oh. "
"Bakit magkano ba 'yan? " tiningnan ko ang price tag at ako na rin ang sumagot sa tanong ko. "What?! Almost 1k?! 'Yaw ko na. Diyan na lang siya sa stante. Huhu. Wala pa ngang 300 pera ko ngayon e. "
Nagkibit-balikat si Larrent. "Bahala ka. "
Dahil mas lalong mabibigo lang ang puso ko kapag patuloy ko pang nakita 'yon, nag-aya na lang ako na umalis na agad sa store na 'yon.
Dumiretso kami nina Kionne at Laurrence sa Dairy Queen para bumili ng ice cream, at ito ay nasa kabilang ibayo (haha) pa ng mall. Nagpaalam naman si Larrent na magc-CR lang siya at susunod na lang daw.
After 30 minutes, wala pa rin si bestfriend kaya nagtataka na kaming tatlo. Iko-contact pa lang namin siya pero dumating na rin naman siya.
"Tunaw na Double Dutch mo. " sabi ko habang inuusad ang Large cup ng ice cream sa kanya.
"Ok lang. May regalo naman ako sa'yo. "
Napakunot ang noo ko. "Ha? Ang tagal nang tapos ang birthday ko ah? "
"Congratulatory gift ko sa'yo 'yan dahil from Top 30 plus, nakapasok ka sa Top 10 ngayong Grade 9." may inabot siya sa'king plastic na may pahabang box sa loob. "Sige na, buksan mo na. "
Sinunod ko ang sinabi niya. Nang makita ko ang laman ng box, nanlaki ang mata ko at napanganga ako.
"OMG. "
BINIGAY NIYA LANG NAMAN 'YONG SNOOPY WATCH!
"WAAH THANK YOU LARRENT! " sabi ko habang inaalog siya. Napatigil lang ako nang may narealize ako. "Pero ang mahal nito. 'Di ko matatanggap 'to. "
"Oo nga Kuya. Saan mo ba kinuha pambili niyan? " tanong ni Laurrence.
"Secret. Basta Kiyarah, tanggapin mo na 'yan. Hindi na natin pwedeng ibalik sa store 'yan. "
May magagawa pa ba 'ko at magpapaka-pabebe pa ba ako? "Sige. Salamat talaga, Larrent! Ikaw na talaga ang the best bestfriend!"
"Best na, best pa? " sabi niya sabay tawa.
"Syempre! Superlative, superlative. "
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Roman pour AdolescentsPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...