HSLT 34

66 1 0
                                    


•Narrative•

Graaaaadeee 10 naaaaa! Kara-karaka!

Parang kailan lang, mukha pa kaming batang gusgusin noong Grade 7. Mga nene at totoy pa. Tapos ngayon... makakaraos na kami ng Junior High!

Pagkakita pa lang namin ni Larrent, nag-apir agad kami.

"Hindi talaga tayo naghihiwalay mula noong Grade 8. Forever na ba ituuu? " pabiro kong sabi kay Larrent.

"I don't believe in the word Forever... " ngumiti sa'kin si Larrent at saka ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Pero para sa'yo, maniniwala ako. "

Natawa ako sa sinabi niya at saka siya pinalo sa balikat. "Sobrang cheesy na, tapos ang corny mo pa! Larrent, ano bang nakain mo? Ang lakas ng toyo mo ngayon! "

Tinawanan na lang din niya ang sinabi ko. Inakbayan niya ako pagkatapos at inaya na akong pumunta sa classroom namin.

Haaaay. Ang sarap magkaroon ng lalaking bestfriend.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon