•Narrative•Struggle is real ang pag-uwi araw-araw noong Grade 10. Nakaka-ugh.
Napakahirap sumakay ng jeep lalo na't pasado alas sais ng gabi ang uwian naming almost 1000 students, pati ng mga teachers at iba pang empleyado in and outside the school.
Feeling ko ay nasa pelikula kami na Train to Busan at kaming mga pasahero ang mga zombies. 'Yong tipong bawat jeep na humihinto ay unahan talaga. Kapag lalamya-lamya at pa-patay-patay ka, nganga ka.
Halos makabisado ko na ang mga mukha ng mga estudyanteng madalas naming nakakasabay.
At nakabisado ko na rin ang daan papunta sa kabilang barangay para lang makasakay ng jeep. Hassle. Pagod na sa paglalakad, mas mahal pa ang magiging pamasahe.
Hindi ko makakalimutan ang isang araw na naghimala ang langit (at lupa) dahil mabilis kaming nakasakay ni Larrent. Sa sobrang luwag pa ng jeep na nasakyan namin ay may iba pa kaming mga estudyanteng nakasabay—at iyon ay sina Tenecius at ang mga kabarkada niya.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
TeenfikcePart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...