001

67 23 5
                                    

【Jam

Kasalukuyan akong nakatitig sa babaeng nasa harap ko napaka ganda nya sa sobrang ganda hindi ko aakalaing ako pala yon.

Biglang na wala ang atensyon ko sa babaeng nasa harap ko dahil may lalakeng sumulpot sa harap ko at kumanta ng nakakabingi

"Doobi doobi dapp dapp doobi doobi dipp dipp doobi doobi dapp dapp du dapp da dapp"

nakakabingi na dada ng dada feeling singer di naman alam mo ba yung feeling na may kumakanta sa harap mo? okay lang naman kumanta kaso sya kasi with matching talsik laway pa kaya nakakairita! kaya naman napagisip isipan kong patigilin ito pero in a nice way

"

"ano lalaban ka? " pag mamayabang ko dito with taas ulo pa at rolling eyes

"wow ate singer ka pala? anong sikreto mo?" sabi nito habang nakanganga kasama ang kamay sa may pisngi nito diba titigil din yang dada ng higanteng yan sa nice way moves ko

"duh! singer naman talaga ako palibhasa pag talsik lang ng laway habang kumakanta ang kaya mo" pagmamayabang na sabi ko rito

pero imbis na sagutin ako bigla na lang itong umupo sa kama nya at tumungo habang nakahalumbaba na para bang may problema

"wala na finish na" malungkot na sabi nito

bigla naman akong nakaramdaman ng awa sa batang ito madalang ko kasing makitang malungkot ito kasi kahit anong paggalit ko dito o pag susuway sa kanya lagi lang syang masaya pero ngayon nakakaawa na

"hoy b-bakit ka malungkot?" hindi ko na kasi alam ang gagawin ko dahil ayaw kong nagkakaganyan sya

"kasi naman ate ni reveal mo ang pag katao ko sinabi mo sa buong bayan na pag kumakanta ako talsik lagi laway ayaw kong malaman nila ang sikreto ng pogi" sagot nito habang ganon parin ang kanyang itsura

hays baliw talaga ang batang ito di ko na pati alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sagot nya hayss

" hays ano ka ba tayo lang naman dalwa ang tao dito" sabi ko

"kahit na malay mo marinig ng kapitbahay tapos ipagkalat nila sa buong baranggay paano na yung mga babaeng nagkakandarapa saakin? nakakahiya ate!" galit na sabi nito saakin

aba sya pa ang may ganang magalit pagkatapos nya akong abalahin sa babaeng tinititigan ko!
pero imbis na makipagsabwatan ako sa kanya ay tumahimik na lang ako at bumalik sa pagtingin sa salamin at pinagmasdan ito pero nagulat na lang ako ng nagsalita ito

"ate! tsaka baka marinig nila mommy yun dalak dak pa naman si mommy ipagchichismis sa mga kaibigan edi pagtatawan na ako nito? isang malaking kahihiyan ate ang ginawa mo sakin!" sabi nito saakin at bigla na lang umiyak sa harap ko ng walang luha

hays di ko na talaga alam kung bakla ba ito o ano? ang over acting ee di pasok sa star hunt pero sa totoo lang naguggilty ako bat ko pa kasi sinabi ang sikreto nya naku sana walang makarinig non

bigla na lang akong nakarinig ng yapak ng mga paa papunta dito nagulat ako ng biglang bukas ng pinto at salubong ng mukha ni mommy

hala! nagaalala ako baka narinig ni mommy paano na ang image ni gyu? lagot na anong gagawin ko!

"hoy jam anong kagulohan ito? bat mo pinaiyak si gyu? susko naman lagi mo na lang pinapaiyak" sabi ni mommy sakin habang nakapamewang

ang over acting talaga ng mga tao dito hindi naman baby si gyu dahil isang taon lang naman ang agwat namin naku talaga si mommy

pero sandali narinig kaya ni mommy yung mga sinabi ko kanina? yung pag talsik ng laway ni gyu? hala

"ma kanina ka pa ba dito sa taas?" tanong ko habang nagpapanic

"hindi kakataaas ko lang dito bat ba?"

bigla namang nawala ang kaba ko at tumigil na rin si gyu sa pagiyak nya na wala namang luha

"jam, gyu tama na ang ayaw aalis na kami ng daddy shua nyo baka mag away na naman kayo dyan. may ulam kaming niluto sa baba kainin nyo na baka lumamig pa wag kayong magaaway sa ulam ha!" sani ni mommy at sinarado ang pinto at umalis na

➤Next Chapter

Dream in a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon