Sa Piling ni Jake

210 1 0
                                    

Humagulgol ako na parang tanga sa may harap ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalaki ang impact sa akin ni Patch. Wala akong maisip na dahilan.

                Ilang oras akong nagpunas ng luha. Wala lang din ang effort ko kasi tuloy-tuloy pa din ang paghulog nila.

                Madaling araw na siguro yun. Mag-aalas tres.

                Sa di kalayuan, may anino ng isang lalake.

                May pamilyar sa bulto niya. Hindi ako natakot sa kaniya.

                Parang nawala nga ng konti yung naramdaman kong sakit sa pagkakakita sa kaniya.

                Lumapit siya.

                Tama nga ako.

                Si Jake.

                Shet. Ano ba naman.

                Lagi na lang akong haggard kapag siya ang kasama ko.

                Sa kaniya lang ako na-coconscious ng ganito.

                Kay Patch hindi. Komportable ako sa kaniya.

                Si Patch.

                Naisip ko nanaman siya. Ayan na naman ang mga luha. Nag-uunahan. Parang walang katapusan.

                Linapitan ako ni Jake. Agad niya akong niyakap. Niyakap ko din siya. Ewan ko. Yun na lang ang kaya kong gawin.

                “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

                “Tinawagan ako ni Patch. Puntahan daw kita. Nag-alala agad ako. Sinabi nga niya na umiiyak ka. Sinabi din niya kung bakit.” Bulong sa’kin ni Jake na hinigpitan ang pagkakahawak sa’kin.

                Ang kahit na sinong lalake hindi na aalis ng bahay para lang puntahan ang babaeng nililigawan pa lang niya para nga tignan kung ok lang siya. Pero si Jake. Iba. Ganun na lang ba kalaki ang tiwala niya kay Patch na talagang hindi ako ok? Ganun na lang ba ang tiwala niya sa sarili niya na siya nga ang pipiliin ko? O ganun nga lang ba niya talaga ako kamahal?

                Naiyak ako lalo.

                Hindi ko alam kung dahil sa sobrang pagmamahal ni Jake, sa pag-alis ni Patch o dahil imbes na matuwa ako na kayakap ko si Jake ngayon, ibang mga kamay ang gusto kong maramdamang yumayakap sa akin.

                Ang sama ko.

                Hindi deserve ni Jake ang katulad ko. Higit pa sa akin ang kailangan niya.

                “Jake,” sabi ko.

                Hindi siya nag-salita. Hinintay niyang ipagpatuloy ko ang sinasabi ko.

                “Bakit mo ginagawa to?” Tanong ko.

                Huminga siya ng malalim. “Kasi alam kong nasasaktan ka. Alam kong hindi mo na kaya. Pero alam kong kailangan mo din ng magbibigay ng comfort sa’yo. Martyr na kung martyr. Tanga na kung tanga. Gago na kung gago. Pero kahit masakit pa sa kin na makita kang nagkaka-ganiyan sa ibang lalake, ok lang. Kaya ko. Di ba nga mahal kita? Wala na akong pakialam sa sarili kong nararamdaman. Mas mahalaga yung nararamdaman mo Kath. Mas mahalaga ka sa akin.” Sabi niya. Idinampi niya ang mga labi niya sa pisngi ko at isa-isang pinahid ang mga luha ko. Kahit pa sinundan pa iyon ng madami, nag-tiyaga siyang punasan ang lahat.

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon