PATCH
Alam kong nagkamali ako sa paglayo. Pero ok lang sa akin. Ayoko lang na nahihirapan pa si Kath. Siguro nga mas mabuti na yung ganito. Kahit isa man lang sa amin ang maging masaya ok na. Yun naman talaga ang plano ko, umpisa pa lang.
Yun ang sabi ng utak ko. Iba ang pilit na pinapairal ng puso ko.
Bakit ba naman kasi ganun? Pumayag na si Kath eh. Lumayo pa ko.
Ano bang problema ko?
Hindi naman ako takot sa commitment.
Ewan.
Nagtext si Lia. Kasama daw ni Jake si Kath.
…
Ineexpect ko ng mangyari to eh. Unang apak ko pa lang palayo sa buhay ni
Kath ineexpect ko ng kay Jake siya hihingi ng lakas. Kay Jake na niya ibabaling ang konting attensiyon na ibinigay niya sa akin nuon. Kay Jake na mapupunta ang lahat ng pinag-hirapan ko ng ilang taon.
Sa kaniya na si Kath.
Inexpect ko na ding ganito kasakit ang mangyayari.
Naalala ko nung una kong makilala si Kath. Nuon pa lang ata naging crush ko na siya. Sa room siya na agad ang una kong napansin. Hindi ang kagandahang nakakasindak ang taglay ni Kath pero hindi din naman ordinaryo ang ganda niya. Kakaiba ito. Na kahit marahil isama mo siya sa kwarto na punung-puno ng mga modelo at artista, mapapansin mo pa rin siya.
Ang nagpaganda sa kaniya ay yung ngiti niya.
Palangiting tao si Kath, nuon pa man. Yun ang unang dumurog sa mga pader na ibinalot ko sa puso ko simula ng maghiwalay ang mama at papa. Hindi ko din alam kung bakit sa isang ngiti pa lang niya nahumaling na ako.
Unang beses niya akong kinausap nung orientation namin. Na-late kasi siya nuon. Hinihingal pa siya nang tanungin kung ok lang na tumabi siya sa akin. Tango lang ang naisagot ko.
“Ikaw si Patrick, di ba?” Tanong niya na nakangiti pa din kahit pagod na pagod siya.
“Patch,” Pagtatama ko pa. “Ikaw si Kathy?” Tanong ko.
“Kath na lang.” Sabi pa niya sa akin at sabay na nakipag-kamay.
“Nice to meet you, Patch.” Yun ang huli niyang sabi. Habang nag-oorientation, hindi ko mapigil na sumulyap sa kaniya. Minsan nakakunot yung noo niya, minsan nakangiti siya. Nakikita yung dimples niyang malalalim.
First time kong magkaganito sa isang babae.
Siyempre kahit tumagal ang panahon kaibigan lang ang tingin sa akin ni Kath. Naging close kami matapos ang ilang buwan hanggang sa halos hindi na kami mapag-hiwalay ng mga tao sa room. Hindi pwedeng nasa isang grupo ang isa na wala ang isa. Hindi ako pwedeng maging President ng hindi Vice president si Kath. Hindi pwedeng maging muse siya pag hindi ako escort. Lihim akong kinikilig minsan kasi pumapayag naman siya. Kahit naman hindi ko sabihin sa sariling wag akong mag-expect, lihim pa din akong umaasa. Nadedevelop na ako sa kaniya eh. Mahal ko na ata siya nun.
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
De TodoAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?