Limousine

37.1K 614 19
                                    

NANG magkamalay si Irene ay naramdaman niyang nakahiga siya. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na iyon sa sahig ng kusina. Nanibago siya nang hindi nagging pamilyar sa kanya ang paligid at malamig. And then she realized she was in Nikos' limousine.

Nakahinga nang malalim ang namumutlang si Nikos nang magising siya. Tinanong siya nito kung ano ang pakiramdam niya.

"Si Nicollo?" Mas mahalaga sa kanya ang welfare ng anak.

"Nasalo ko si Nicollo kaya hindi siya nahulog. But you fell. At nawalan ka ng malay kaya nasa daan na tayo papunta ng ospital."

"What?" Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nakitang umaandar na ang sasakyan. "I feel fine now, Nikos. Ipatigil mo ang sasakyan."

"No!" matigas na sabi nito. "Nawalan ka ng malay—"

"Ilang sandali lang iyon!"

"A few minutes or a few hours, either way, kailangan mong magpa-X-ray!"

"Kalokohan iyon, Nikos!"

"Irene Sallis Afinidad, hindi ako nakikipaglaro sa 'yo. Wala akong pakialam kung sandali lang iyon, basta hinimatay ka pa rin. Your welfare is my concern here," parang walang makakabali sa sinabi nito.

Wala nang nagawa si Irene kundi sumunod sa gusto ni Nikos. He seemed to be determined though. Habang nasa biyahe ay binibigyan man siya ng matatalim na tingin ng asawa pero nakikita rin ang pamumutla at pag-aalala sa mukha nito. Was he really that worried?

Napailing-iling na nagbiro si Irene. "Alam mo, mas dapat yata na ikaw ang magpunta sa ospital."

Hindi nagsalita si Nikos pero nagdilim naman ang mukha. Naasar yata ito sa pagiging pasaway niya.

Nang makarating sila sa ospital, sa halip na kunin ni Nikos ang wheelchair na inaalok ng guard ay hindi nito iyon pinansin. Pinangko siya nito papasok sa ospital; balewala ang pagtitinginan ng mga tao sa hitsura nila. Namula si Irene nang makita ang amusement sa mukha ng mga tao habang buhat-buhat siya ni Nikos na parang si Superman na dinadala sa ospital ang naging biktima ng isang aksidente.

"Nakakahiya, Nikos. Dapat ay kumuha ka na lang ng wheelchair," sita niya sa asawa.

"Why bother? Mas maganda ang ganitong method of transport!"

Ang gulo ni Nikos. Pero sa totoo lang ay na-miss niya ang ganitong paglalapit nila. Magkatabi man kagabi ay hindi naman sila nagkibuan. She missed his warmth and strength. Nang makita ang emergency room ay sinabihan ito ng isa sa mga nurse roon na ibaba siya sa isa sa mga hospital bed.

Mula roon ay kung saan-saan dinala si Irene ng mga doktor at nurse. Lahat ng test na maaaring gawin dahil sa aksidente ay ipinagawa ni Nikos. Pati CT scan ay nagpa-conduct ito. Lahat naman ay clear kaya nakahinga rin nang maluwag ang asawa sa huli.

"Wala namang dapat ikabahala." Mayamaya ay binigyan sila ng papel ng doktor na naglalagay ng mga maaaring mangyari na kapag nangyari ay kailangang dalhin siya sa ospital. "At saka nga po pala, no emotional stress."

Tumango sila ni Nikos sa payo ng doktor. Hindi na rin naman siya kailangang i-confine kaya umuwi na rin sila. Inalalayan siya ni Nikos palabas ng ospital. Nang makasakay sa sasakyan ay tinanong siya nito.

"Where do you want to have lunch?"

Kumunot ang noo ni Irene. "Bakit kailangan pa nating lumabas? I'd rather be at home. Nakapambahay lang ako."

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon