Ang Plano

145 1 0
                                    

Nang makalayo na ang dalawa, lumapit si Patch sa nasirang bouquet na iniwan ni Kath. Narinig niya ang usapan nila.

                Ayaw sanang aminin ni Patch sa sarili niya, pero mahirap na ding i-deny. Mali ang ginawa niya. Mali ang pag-layo niya. Pero hindi siya sigurado kung babalik pa siya o kung bibigyan pa siya ng chance ni Kath pagkatapos ng mga nangyari.

                Kinuha ni Patch ang mga bulaklak at itinapon ito sa may basurahan. Sayang. Sabi niya sa sarili niya. Sayang ang mga bulaklak. Sayang ang chance niya kay Kath.

                Pabalik na sa Espana si Patch nang may humarang sa kaniyang babae.

                Chinita ito. Yung kayakap ni Jake kanina.

                “Mag-usap tayo.”

-------------------------------------------------------------------

PATCH

                Sandaling tinitigan ni Patch ang babaeng nasa harapan niya. Ito yung Chinita na nakita niya kanina. Siya ba yung sinasabi ni Lexi na may gusto kay Jake?

     “Sorry, I don’t think we’ve met.” Sagot niya. Maganda nga siya.

                Ngumiti ang babae at inalok ang kamay niya. “Nina Navarro, JPIA President. Kaibigan ako ni Jake.”

                “Kaibigan?” Patagong tawa ni Patch. “Patch Gonzales, kaibigan ni Kath.” Inabot niya ang kamay ni Nina.

                Agad din niya itong binitawan. “Anong dapat nating pag-usapan?” Tanong ni Patch.

                “Madami. Pero wag dito.” Sabi ni Nina. Naglakad siya papuntang dapitan at sumunod si Patch.

++++

LEXI

                “Asan ka na ba Lia at hindi mo sinasagot ang phone mo?” Tanong ni Lexi sa phone niyang paulit ulit ang ring. Halos isang oras na siyang naghihintay sa may benches malapit sa botanical.

                Dapat kasama nila si Kath. Kaso nag-text si Jake kanina at sinabing sa kaniya daw muna sasama si Kath. Siyempre pumayag si Lexi. Botong-boto siya kay Jake eh. Tsaka alam niya kung gaano kamahal ni Jake si Kath, siguro nga tama lang na sila muna ang magkasama ngayon. Lalo pa at alam ni Lexi na si Patch ang mahal ni Kath.

                Ayaw niya kay Patch. Simula pa lang ay naging possessive na ito kay Kath. Hindi niya alam kung ano ang nakita ni Kath dito at halos hindi na bumalik sa normal si Kath nang sukuan siya ni Patch. Ano bang meron si Patch na wala si Jake?

                Wala.

                Kung tutuusin nga, mas higit pa ang lamang ni Jake kay Patch at sigurado pa siyang mahal niya si Kath. Eh si Patch? Kung mahal niya talaga si Kath, hindi niya iiwan yung tao. Siguro possessiveness lang ang pinairal niya para ligawan ng ganun si Kath.

                Hindi din siya sigurado sa mga nangyayari ngayon.

                Basta ang alam niya, si Kath ay para kay Jake.

                Si Jake ay para kay Kath. Tapos.

                Muli niya sanang tatawagan si Lexi nang may makakuha ng pansin niya na naglalakad sa may Quadri.

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon