Nag-away kami nila papa at mama kanina. Tinawagan nila ako bago ako umalis papuntang school.
Mababawa lang naman yung sagutan namin.
Dahil sa pera at kawalan ng tiwala sa akin.
“Ok ka lang?” Tanong ni Patch sa akin pagdating ko sa loob ng room. Nakaupo na ako sa upuan ko nang lumapit sya.
Tumango ako.
“Yung totoo.” Sabi niya sa akin.
Tumango pa din ako. “Oo nga. Kulit naman.” Sandal ko siyang iniwasan. Wala akong oras para mag-open up sa kaniya. Ewan ko. Hindi ko amsabi sa kaniya ang mga problema ko.
Siguro nasanay lang talaga ako na masaya kapag kasama si Patch. Lagi akong makulit kapag kasama ko siya. Ngayong seryoso naman ako at ayaw magsalita, parang wala ako sa mood na makisama sa kaniya.
Sandali niya akong tinitigan.
Walang emosyon ang mga mata niya.
Bumuntong hininga siya at hinalikan ako sa noo.
“Basta sabihin mo na lang kung kaya mo na. Hindi naman kita pinipilit eh.”At bumalik na siya
sa upuan niya.
Huminga ako ng malalim. Ang unfair ko, si Patch nag-open up sa akin noon pero ngayon naman ayokong mag-open up sa kaniya. Kahit alam kong mahirap para sa kaniya ang umamin noon sa sakit na naramdaman para sa papa niya, ginawa pa rin niya.
Lumapit ako sa kaniya. “Sorry.” Sabi ko na sandaling hinawakan ang kamay niya.
Ngumti siya at tumayo para hindi ako nakayuko habang kausap niya ako. “You don’t have to be...”Sabi niya na isinandal ang noo niya sa nook o at sandaling hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at idinampi ang mga labi ko dito.
Sa normal na pagkakataon, aasarin ko siya.
Mag-english daw ba kasi. Pwede namang Tagalugin.
Pero natuwa ako.
Kinilig pa nga.
Nakangiti na si Patch.
Ngumiti din ako kahit na sa loob-loob ko masama pa rin ang pakiramdam ko.
Sorry, mahina kong sabi sa isipan ko, di ako makapg-open up sa’yo Patch...
-------------------------------------------------------------------
Ano nga ba ang pinagdududahan ko kay Patch at hindi ko masabi sa kaniya ang bumabagabag sa akin?
Ano ba ang meron si Jake? Hindi ko alam kung bakit nang hapon na yun, nang makita ko siya, naiyak na lang ako bigla at sinabi sa kaniya ang lahat ng mga problema ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Si Patch ang mahal ko ‘di ba?
Eh bakit muntik na akong mag-I love you kay Jake kahapon pagkatapos niya akong yakapin at alukin na umuwi daw muna ako ng Bulacan para makipag-ayos sa mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
CasualeAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?