Pinag-isipan ko ang lahat ng dapat kong i-explain at sabihin kay Patch sa oras na makita ko siya. Naglakad na ako papunta sa Eng. Alam ko kung nasan si Patch at sigurado akong makikita ko siya sa pupuntahan kong lugar.
Pakikinggan niya kaya ang mga sasabihin ko?
Hindi pa nga tapos yung issue naming ni Jake kagabi tapos may bago nanamang gumugulo sa isip niya.
Pumasok sa isip ko bigla ang sinabi ni Patch noong magtapat siya sa akin.
Matagal na daw niya akong mahal.
Ibig sabihin matagal na niyang tinatago ang mga nararamdaman niya para sa akin. Nanatili siyang tahimik at kelan ko lang nalaman na mahal nga niya ako. Ilang taong nagtiis ng sakit at lungkot si Patch para sa mga nararamdaman niya para sa akin tapos nadagdagan pa lalo dahil sa mga nagawa kong kasalanan sa kaniya.
Ok naman na kasi sana. Tapos bigla pang may nangyaring ganun sa pagitan naming ni Jake. Hindi ko masisisi si Jake. May kasalanan din naman kasi ako.
Nasa tapat na ako ng entrance ng building namin.
Halos sarado na ang pasukan. Tanging ang guard na lamang na nagbabantay sa may gilid ang taong makikita mula doon.
Lumapit ako sa guard.
Namukhaan ko siya. Si Manong Roger.
“Mang Roger, pwede po bang pumasok sa loob?” Tanong ko habang lumapit sa kaniya.
Tinignan niya ako. “Ay iha, ano bang gagawin mo doon? Bawal na kasing magpapasok.”
“Sandali lang po ako. May naiwan kasi ata ako sa room namin. Tsaka magsi-CR na din po sana. Ang haba kasi ng pila sa ibang building eh.” Sabi ko.
“Ano kasi...” Pagkakamot niya sa ulo niya.
“Please? Sige na po. Sandali lang naman po ako. Please.” Pagmamakaawa ko.
“Sige na nga.” Sagot niya.
Tumakbo agad ako papasok at naglakad patungo sa lab.
Sumilip ako pero walang tao.
Nasan si Patch?
+++
Pumasok ako sa lab.
Luampit ako agad sa table ko at nakitang may isang bouquet ng Calla Lillies doon. May papel na nakatupi sa tabi nito.
Para kay Kath.
Yun lang ang tanging nakalagay.
Inikot ko ng tingin ang buong lab. Wala talagang ibang tao dito kung di ako.
Kinuha ko ang mga bulaklak sa lamesa bago lumabas.
Isang anino ng lalake ang nakakuha ng attensiyon ko sa may hallway.
Lumapit ako sa may-ari ng anino.
“Patch...”
+++
“Bakit ka nandito?” Tanong sa akin ni Patch.
Di ko kayang sagutin ang tanong niya.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng boses.
Wala akong ibang gusting gawin kung di yakapin siya.
Na sana sa yakap ko pa lang mawala na lahat ng kaba at pagdududa sa isip niya. Sana sa simpleng hawak ko lang sa kamay niya, alam na niyang siya ang mahal ko, siya ang pinili ko. Siya lang naman talaga. Siguro matagal ko ng nararamdaman ito para sa kaniya.
“Alam ko kasing nandito ka.” Sagot ko na lumapit sa kaniya.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin bago umatras.
“Patch hayaan mo akong mag-explain.” Sabi ko na pilit inaabot ang kamay niya.
Hinayaan niya akong hawakan ito.
“Hindi ko naman hinihingi ang explanation mo eh.” Mahina ang boses niya.
“Pero kailangan mong pakinggan.” Pagpipilit ko.
Tinitigan niya ako. “Para saan pa? Sira naman na ang lahat sa atin. Bakit pa natin pipilitin na ayusin ang lahat kung wala ng pag-asa?”
Agad kong binitawan ang kamay niya. “Ganun lang ba ako sa’yo? So eto... Lahat ng nangyaring ito para lang sa wala?”
Hindi siya makasagot.
Binitawan ko ang mga bulaklak na hawak ko at tumakbo papalayo at bumaba ng hagdan.
Hindi niya ako sinundan.
+++
Sabi na nga ba. Karma ko na ito sa mga nagawa kong kasalanan kay Jake, kay Nina, sa mga taong nadamay at nasaktan dahil sa mga nagawa ko. Ito na yung parusa na bagay sa akin. Hindi na babalik si Patch sa akin pagkatapos ng mga nangyari. Siguro nung una hindi ko lang napansin na ang laki na pala ng damage na nagawa ko, pero ngayon na ang layo ko na sa mga gusto ko sa buhay, ang layo ko na sa pagkakataon para sumaya ng lubusan sa piling ng isang taong nagmamahal sa akin para kung sino talaga ako, ang layo ko na sa pagiging Masaya at kuntento, na-realize ko na grabe na pala ang mga nagawa ko.
Ang sama ko.
Ang sama-sama ko.
Umupo ako sa baba ng hagdan, walang pakialam kahit madilim pa at tahimik ang paligid. Wala akong pakialam na mag-isa lang ako.
Mas mabuti na nga yung ganito para walang makakita sa akin na umiiyak na parang tanga.
Tanggapin ko na lang siguro habang maaga pa.
Tanggapin ko na lang na hindi deserve ng katulad ko ang sumaya lalo na at may nasasaktan kung sasaya ako.
Tama lang siguro yung ganito.
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
De TodoAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?