1- Pavor Nocturnus

236 5 2
                                    

"Ba-ba-lik a-a-ko. Pa-ngako! AHHH!"

"Sasama na ako sayo! Hindi kita iiwan. Hintayin mo ako. Susunod ako sayo!"

"Ba-ba-lik ako, hintayin mo".

"Eritrea!! Hindi ! No! wag!"

"Ma.hh a.l..ki..ta"

"I will kill them. "

-------------

Xena's POV

Nagising ako mula sa isang panaginip.

Palagi na lang.

Hindi mali pala, bangungot. Oo bangungot nga.

Nakita ko ang sarili ko na duguan. May lalaking umiiyak. Bakit kaya? Hindi ko naman kilala or nakikita yun.

Madaling araw pa lang. "1:06" ng tiningnan ko ang orasan sa side table ko.

Nakakainis gusto pa sanang matulog pero ayaw pumikit ng mata ko. Kumukulog at kumikidlat pa sa labas pero hindi naman umuulan. Weird.

Naiisip kong magpahangin sa labas.

Malamig.....

Sobrang lamig...

Ayoko talaga sa probinsya. Pinilit lang naman akong magbakasyon dito. Marami nga daw aswang, halimaw, engkanto at kung ano ano pa sa rest house na ito. Madaming gubat kasi dito at sobrang laki ng mga puno.

Namimiss ko tuloy ang night life ko sa Manila.

Nalaman lang nila ang ginagawa ko kaya agad agad na pinadala nila ako dito sa probinsya.

Mas makakabuti daw kasi ang environment dito para sa akin.

As if namang mababago pa nila.

Hindi naman ako baliw or kung anong may mental disorder at syempre wala pa namang taning ang buhay ko masyado pa naman akong bata.

Naisip ko yung panaginip ko, parang dito nangyari pero first time ko lang naman dito. 22 years old na ako at ngayon lang ako pinapunta dito.

"Kainis! "

Ansama lang sa feeling na bigla ka na lang magigising.

Tahimik nga dito nakakatakot naman.
--------------

Enchanted To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon