Chapter 3

4 0 0
                                    

              Naaalala ko pa nung time ng high school day ko na yun ay may isa kong kaibigan na lagi kong pinagkwekwentuhan tungkol dun kay Koby, at yun ay si Charmaine Manalastas.

Sa lahat ng naging kaclose ko nung mga time na yun ay siya yung pinagkatiwalaan ko ng mga sikreto ko. Siya kasi yung tipo ng tao na tahimik lang sa isang tabi at kapag kinausap mo siya ay magsasalita naman siya. Sobrang opposite nga namin kasi ako ay isang dakilang madaldal samantalang siya ay most behave ng taon. Lahat ng tungkol kay Koby at mga nalaman ko ay niya lahat.

Pero isa lang naman ang lagi kong tinatanong kay Charmaine.

"Alam na kaya niyang may gusto ako sa kaniya be, sa tingin mo"

Oo tama kayo ng pagkakabasa na ang simpleng crush ko sa kaniya ay lumala, mula ng maging bestfriend ko na siya lalong nahulog ang loob ko sa kaniya. Sabi ko dati sa sarili ko na di ako mafafall dun kasi, because I whisper to myself na bawal dahil magkaibigan kayo. At lagi kong pinapaalala yun sa sarili ko.

The exact date na naging magbestfriend kami sa August 27,2014 at sa chat lang yun hahaha. Ganito kasi yan, nung magkatabi na kami sa A.P. subject napagusapan namin yung tungkol sa mga bestfriend niyang babae, tapos binalik naman niya sakin yung tanong na ikaw wala kang bestfriend na lalaki. Ang sabi ko wala, pero sa totoo meron ang kaso nagtatampo ako sa kaniya nun dahil umalis siya ng walang paalam.

Pagkatapos kong sabihin sa kaniya yun ay sinabi niya sa akin na "Ako, pwedeng mag apply nandito ko". Nagulat ako that time but I reply to him na "Di nga, sige pag-iisipan ko". Pagkatapos kinagabihan nung araw ding iyon ay nagcomputer shop ako kasi napakarami naming assignment na need isearch. Nagchat na ko sa kaniya na "Oo na pumapayag na ko", nagtataka pa nga siya kung ano yun tapos siguro nagets na niya kaya nagreply siya na "As a bestfriend ba", I replied "Oo". Sobrang natetense ako at kinakabahan na di mapakali, yung tipong sa kaniya ko lang naranasan yung parang natotorete ka at di ko na alam kung may pipindutin ba ko sa keyboard ng computer, di ko rin alam na magtatime na pala, bigla rin akong nataranta na akala mo may kung ano sumapi sa katawan ko na di makagalaw at yung utak ko tumigil atang magmalfunction hehehe basta iba-ibang feelings.

Halo-halo yung emosyon ko nung araw na iyon, pero isa lang ang alam ko yun ay ang sobrang saya ko na yung crush ko ay bestfriend ko na. Ganun nga kasi ako, gusto kong maging kaibigan yung crush ko pero nasa isip ko lang lang na hanggang crush lang, na di aabot pa sa malalim na pagtingin.

Yung dating pinagdadasal ko ay natupad ko na. Kaya naman kasi gusto ko siyang maging kaibigan ay para marami akong malaman tungkol sa kaniya. Para makakalap ako ng information about sa mga favorites niya, mga gusto at ayaw niya sa isang tao. At sa aking kagalingan nalaman ko ang mga gusto kong malaman tungkol sa kaniya, kahit na kung ilan na ba ang mga naging girlfriend niya ay nalaman ko rin. Mula sa paboritong pagkain, kulay,hobby,talent at mga iba pa niyang skills na ayaw niyang ipakita sa ibang tao.

First Love Never Dies Until When?Where stories live. Discover now